Ang sweet ng mga bonggang proposal, pero sa isip ko, hindi ba minsan impraktikal na? Kayo ba, anong mas gusto niyo? Ang magarbong proposal or simple lang?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Syempre, as a girl, masarap naman talaga sa feeling yung alam mong your partner went the extra mile just to surprise you. But for me, it's still the thought and sincerity that matters the most. But then again, if you're going to ask me, who would not want to have a bonggang proposal. It's once in a lifetime, so I really understand why some men really make the best out it.

Magbasa pa

For me mas okay na maging praktikal lalo na sa panahong ito . Mas okay na ilaan nalang ito sa kasal ,doble pa ang gastos pag nagkaganon . But on the other hand kung afford nyo naman ang bonggang proposal why not diba. Ang sa akin lang kung saan mas nakakatipid don ako kasi hindi natin alam baka may dapat pang paglalaanan ng pera lalo na pagkatapos ng kasal.

Magbasa pa

Sa akin ay praktikal. Ang magarbong proposal ngayon ay katumbas ng halaga ng downpayment ng bahay at lupa. Sabi nga ni Chinkee Tan: "magarbong kasal now, pulubi later." Ipunin na lang yung pang propose para sa insurance or investment, lalago pa pera nyong magasawa at pwedeng gamiting pang retirement or educational plan ng anak.

Magbasa pa

Tingin ko, normal sa babae ang maghangad ng magarbong proposal. Halos lahat ng babae gusto ng engrandeng proposal. Pero after noon at ng kasal, doon narerealize na sana hindi na nag garbo ng proposal at kasal para may extra savings pa sila.

Praktikal syempre, pero minsan lang natin maipaexperience sa mahal natin yun magarbong kasal or proposal diba? isang beses lang yun, bakit manghihinayang kung worth it naman at para sa taong mahal natin at gusto makasama sa habambuhay.

Sa akin kahit ano, basta pinaghandaan ng mapapangasawa ko. Kung afford naman niyang gawin magarbo, why not. Pero kung simple lang ang kaya, okay lang din sakin.

Praktikal. Pero sana yung may element of surprise naman kaunti ahehehe 😊