Ang sarap sa pakiramdam na marinig sa magulang mo ang mga salitang:
Papa:Kumusta kana nak? ok ka lang ba. sinabi na sakin ni mama ang situation mo, di ako galit sayo nak o sa nangyari sayo ngayon. andyan na yan kaya gusto ko ingatan mo yan ha at ang sarili mo. tanggap ka nmin ng buong buo. pagsubok lang yan nak, kaya natin yan. basta ok ka lang dyan, ingatan mo tlga yan at ang sarili mo. maghihintay kami ni mama mo sa pag uwi mo.
Mama: wag ka magpabaya ha dhil malayo ka samin di ka nmin maaalagaan ni papa mo, ok na din samin na nbuntis ka kahit di ka panindigan ok lang sa amin, ok lang para hndi ka mawala sa amin ng papa mo. Hndi ka malayo samin, alam mo kung gaano ka kaimportante sa amin. kahit pa sabihin ng ibang tao na malaki kana, ayaw namin na mawalay ka. Hndi namin kakayanin.
Subra ang iyak ko sa tuwa. Salamat mama at papa dahil pinaramdam nyo sakin na hndi ako nag iisa.?