Sama ng Loob ?

Ang sakit sa damdamin na marinig sa mismong ama mo na bugok daw ako or yung itlog ko kasi hanggang ngayon di ko pa sila nabibigyan ng apo kasi gustong gusto na nila magka apo. Kinasal kami nitong May 18 lang. magti3Months na kaming kasal pero wala pa din ? And alam kong may mali sakin kasi i have pcos pero sa twing may magtatanong sakin kung meron na daw bang laman nginingitian ko nalang. Ayoko nalang magsalita kasi feeling ko down na down ako pag sinabi kong hirap akong makabuo ? Ang sama sama na ng loob ko. ????

93 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis,ngpapaalaga knbà s ob?last june2018 I was diagnosed by PCOS , at nung malaman nmin ng hubby q,nagpaalaga na ko s ob,after that naging regular ang menstration ko. Pero mga after 10months din bago aq nbuntis. Tiwala lng,prayer is the most powerful padin.

may PCOS din aq sis... gumamit aq NG panty liner na kpads ung may negative ion ngaun buntis na aq 13 weeks.. try mo bumili nun pero dapat Original po dami kc fake nun.. wag ka mawalan NG magasawa kc kmi 3 years kmi kasal ngaun Lang nakabuo..

Take k po ng vita juice melon at guyabano Mahl nga lang... Yon kc nkabuntis sken kc almost 10yrs kme la tlga mabuo then nag take ako ng vita juice mga 3mos. Nabuntis ako... Pero kpg uminum k po noon dpt healthy food din kinakain mo.

3mnths plg kayo kasal ahh, hayaan nyo na ang iba. at dahil alm nyo po na pcos condition nyi better seek advice or consultation, my mga frnds ako na pcos nmn nkailang anak nmn dahil ngkonsulta sa ob, at diet rin, eat & live healthy

Sis wag ka pakastress at wag mo ipressure sarili mo.. ako nga ilan yrs ko hinintay magkaanak nung d ko inaasahan saka ako nabuntis.. ganun nlng sana gawin mo magpray ka sis at wag mo isipin sasabihin nila dedma nlng. Wag madaliin

Inis na inis din ako dati sa mga nagtatanong kung bakit wala pa. Pero meron na ngayon. sis pacheck up ka sundin mo si ob. Meron akong kakilala na diagnosed na may pcos after 3 months buntis na siya. So sana ikaw din. Godbless😊

Pray lang sis. ☺️ Hindi lahat ng bagay nakukuha agad ☺️ Then if PCOS ka consult ka sa OB sis. Kami ng asawa ko kaka 4yrs lang namin ngaun lang kami binigyan ni Lord. ☺️ Enjoy nyo muna yung kayong dalawa lang. ☺️

Try mo po mag Fern D. 16 weeks nakong preggy ngayon, dati irreg mens ako, kahit tumbling na gawin hirap padin makabuo, then sumubok ako nyan, after almost 2 months eto nakabuo din. Pray lang ng pray at ikondisyon ang katawan.

Don't lose hope po. Ako talagang obese ako. Once a year ako nagkakaroon ng mens. May PCOS both ovaries. Nag diet lang po ako. From 135KG, nabuntis po ako ng 116KG. Talagang malaki po ako. 33 weeks pregnant na po ako now.

Wag mawalan Ng pag ASA mom's dami ako kakilala my PCOS nabubuntis ei ako nga meron mayoma buntis now 24weeks sa pang 3rd ko baby at finally baby boy Ang bunso ko KC my 2 na ako babae anak na 15 yrs old at mag 11 yrs old