Sama ng Loob ?

Ang sakit sa damdamin na marinig sa mismong ama mo na bugok daw ako or yung itlog ko kasi hanggang ngayon di ko pa sila nabibigyan ng apo kasi gustong gusto na nila magka apo. Kinasal kami nitong May 18 lang. magti3Months na kaming kasal pero wala pa din ? And alam kong may mali sakin kasi i have pcos pero sa twing may magtatanong sakin kung meron na daw bang laman nginingitian ko nalang. Ayoko nalang magsalita kasi feeling ko down na down ako pag sinabi kong hirap akong makabuo ? Ang sama sama na ng loob ko. ????

93 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi sis, find time to read :) my PCOS experience Sa mga my PCOS usually ang tanong natin sa sarili is: MAGKAKA ANAK PA BA TAYO? I want to enlighten all women na my PCOS jan na a big YES magkaka anak pa tayo pero tiyaga lang ang at tiwala ky GOD kung kelan ang right time. Btw, i'm a PCOS warrior way back 2009, simula po ng nagka work ako na expose ako sa mga unhealthy foods like fastfood, street foods, and junk foods, Walwal inom lang hangat kaya. Imagine, yan ang lifestyle ko ng 10years. 2012, I was diagnosed with PCOS. Super taba ko umabot ako ng 160pounds hirap na hirap ako. Pero, since ang nasa isip ko BATA pa ko i want tp explore more. At my young age wala pa ko pakialam kng mag kaka anak pa ko or hindi kaya continue ang unhealthy lifestyle. Years past napapaisip na ako at the age of 28 hindi pa din kami nag kaka anak nag pa checkup ulit ako then nalaman ko mas lalong dumami PCOS ko and baka HINDI na daw ako magka anak. Ang dami ng pumapasok sa isipan ko hangang sa na pressure ako tuloy pa din ang unhealthy lifestyle ko. Minsan nag didiet nababawasan ng timbang pero d nattuloy. Then last January 2019 I was diagnosed with T2 Diabetes connected sa PCOS ko. Imagine, at 30yo my T2 diabetes na ko. Then that was the time na na realized ko na kailngan ko ng ayusin buhay ko, diabetes kinamatay ng parents ko. So I decided to treat my T2 diabetes and follow my doctor's prescriptions. Nag metformin ako and folic acid for almost 5months. Onti onti nag babawas ng kinakain and ang kinakain ko is basic foods walang fastfoods, inom, junkfoods and etc. March 2019 birthday ko, sabi ko sa sarili ko ayokong mgng ganito habang buhay. Thank you sa Friend ko na nag add sakin sa isang fb group "KIFI Keto and Intermittent Fasting" ang dami ko nababasa doon na nabubuntis so baka eto na nga ang calling ko. Ginawa ko ang KETO diet for 3mos. At first, yes mahirap kasi naka depend tayo sa carbs. Pero once na masanay na ang katawan mo for a week mag tutuloy tuloy na yan. Sa pag keketo ko ang dami changes na ngyari sa buhay ko. Bukod sa nag normalize ang bloodsugar ko and ang sabi ng Endocrinologist ko ba na cure na daw ang T2 Diabetes ko. Yes, curable po ang T2 Diabetes. Ano ang ginawa ko? 1. Nag bawas ako ng carb intake. Only 20grams of carbs lang ang intake ko. This means, no rice, bread and starchy foods. Kasi #1 kalaban natin is CARBS..... 2. I eat only eggs, meats, low carb veggies, water, black coffee. Nasanay katawan ko ng gnyang systema ng pagkain ko for 3mos. 3. I did intermittent fasting nung 2mos na ko under retention ng weight ko. So June nag fasting na ko. Umaabot pa nga ako ng 18hrs na fasting. One day nag missed ako ng period ko. That was July 2019. So ako deadma lang iniicp ko kasi that time is PCOS ko is striking again. Then napansin ng kawork ko nag iiba hubog ng ktwan ko pinag PT nya ko. Siya pa bumili ng PT then nagulat ako nag POSITIVE. sabi ko pano ako mag popositive eh my PCOS ako, saka bka false alarm lang. Continue pa din ako sa diet ko saka sa GY shift ko nakaka 4glass pa nga ako ng black coffee. Then dumating APE namin, napansin din ng doctor parang my something sakin kaya d ako pinag xray. Kasi sabi ko nga last period ko is June pa. Then I decided bmlk sa OB ko, akala din nya PCOS ko lang dn kaya pinag pa Transv ult ako. Eto ang big news nakita sa Transv na im 6wks pregnant 😍😍😍 and nagulat ang OB ko na nacure ang PCOS ko. Now im 19wks turning 20wks. 😍😍😍 yes nasa denial stage pa ako noon na baka false alarm lang. Kasi nga nasa isip ko na hndi nako mag kaka anak pero mali ako. Kaya to all my fellow PCOS warrior, alam ko pakiramdam ninyo. Definitely YES magkaka anak pa tayo ang tanging gawin lang natin is mgng healthy living lang. Mag less tyo ng carbs sa katawan kasi eto ang kalaban natin, including sweets ang sweetener ko noon is just equal gold :) KETO help me a lot. Kaya naman pagka panganak ko bblk ako mag KETO para bmlk sa shape. Kung kaya ko kaya nyo din. :) I want to empower all women out there na wala pang alam how to treat PCOS. Hindi pa huli ang time :) sabi nga hangat my period pa tayo my PAG ASA pa! 31yo na ko ng ma treat ko ang PCOS ko. And PRAYERS is my weapon in my battle :) PM nyo lang ako if want nyo mag pa add sa fb group ng KIFI Keto and Intermittent Fasting. Kaya natin lahat to. Labanan ntn ang PCOS

Magbasa pa

bibigyan rin kayo ni god tiwala lang po, ganian din iniisip ko ung time na naglive in partner kami ng hubby ko, ung 3 years withdrawal lang kami that time, kaso masyado pa ako bata but we sex every dayπŸ˜‚βœŒοΈ yes kpag may time kami and kpag d pagod sa work wala nmn kami iniisip kundi sarili lang din namin, iniisip nga ng ibang tao na ang tagal n daw namin hindi pa kami nkakabuo, umabot sa puntong iniisp ko kung may mali sa amin or s kaniya kaya ung 21 na ako sabi ko kay hubby gusto ko na magkababy kaya ginawa namin hindi na kami withdrawal that time. Akala ko dati kahit withdrawal nkakabuntis hindi palaπŸ˜‚πŸ˜‚βœŒοΈ ngaung umabot ng 2 years nanmn n d parin ako nabubuntis nagaalala n ako kc d na kami withdrawal ni hubby i always prayed na sana bigyan n kami kc nahihiya n ako s ibang tao n iniisip nila n may problema sa amin dlwa or baog ako or siya. last 2018 december nagPT ako that time kasi nadelay n ako almost a month but still negative pero tinawanan lang ako ni hubby kac gusto ko na tlaga. but after a week nagkaroon n ako ng mensπŸ˜‚ kaya d na ako umasa ngaung 2019 nagkaroon ng suspension ang hubby huminto narin ako ng work that year sa 6 days na pasok ni hubby 4 days nalang sya nkakapsok gawa ng suspension nia kaya nakakapg pahinga sya, nagpahilot ako sa mama ko, atlas 2019 november nadelay nanamn ako almost 1 month negative and positive PT ko kaya d ko alam kung nkabuo na kami that time, inabot ng january d parin ako nagkakaroon kaya nakalimang PT n ako d ko sinsabi sa husband ko n nagPPT ako every 2 weeks hehehe ung january bago lang luminaw kaya nagpacheck up n akonsa wakas after 5 years we have a baby, im 23 weeks now.. napakawento na ako kaya advice ko po dont think negative darating at darting din kau dyan, biyayaan din kau and 3months plang namn kau kasal hindi niyo pa naabot ung taon n paghihintay namin basta matatag ang relasyon niyo, magpahinga din kau wag puro work minsan kc need din pahinga para mkabuo ung sperm kc ng lalaki naluluto at mhirp.mkabuo kapag laging pagod at last always smile and dont stress yourself.. trust to our god biyayaan rin kau mas mabuting ienjoy niyo muna relasyon n meron kayi baka.mabigla kau kapag nkabuo n kayo.πŸ™πŸ˜‡πŸ˜Š

Magbasa pa

Wag mawalan ng pag-asa. I also have PCOS for more than 10years. Tatlong OB na ang nagsabi sa akin na mahihirapan ako magbuntis lalo na pag tumungtong na ako 30yrs old. Now I am 33yrs old and pregnant sa aking 1st baby at 30weeks. What did I do? Mahilig ako sa matamis, kumakain pa rin naman ako ng matatamis pero bawas na ang frequency at ang dami. I took vitmin D twice a day. I have regular check with the OB na komportable ako. Monitored ang menstrual cycle ko. Nag leave ako sa work, nagpahinga at lumayo sa stress. And also pray. And here I am, waiting to pop! Happy lang, wag ka paapekto sa sinasabi ng iba. Oo masakit na sabihan ng "bugok", hindi naiintinhan ng ibang tao na bilang babae pag nasabihan ka ng mahihirapan ka magbuntis eh msakit na yun sa pagkababae natin, what more yung ipamukha pa nila. Pero ganun tlagaga tao, do nila naiintindihan kaya nakakasakit sila. Be happy lang always. Papakinggan din kyo ni Lord, at His right time. God bless

Magbasa pa

ok lng yan 😊😊 maging happy klng lage pray lang po ako nga 7years nko may kinaksama gusto kuna mag ka anak nun pero ayw tlga lht ng paraan ginwa kuna kht mhal ang byad mag pa check up kung kanikaninong ob nko nag pahilot kung saan saan wla parin minsan na iisip ko mag kaka anak paba ko pray lng lagi kht umiiyak nko kce gusto kuna mag ka bhaby hangang sa nag hiwalay na kme ng 7 years ko at eto meron ako ngayong pagong pag ibigπŸ€—πŸ˜˜ mag isang taon narin kme ngayon mag kaka bhaby na kme kya mommy kya moyan ok wag ka mag padla s mga naririnig mo madami distraction sa paligid mo enjoy klng po darating din yung tamang panahon pra mag ka bhaby 😊😊☺️☺️

Magbasa pa
VIP Member

Nako sis.. Wag ka pastress!! Ako nga dambuhala katawan ko at may pcos dn.. 0ero always remember losing weight at eating balance diet is the answer.. Working with your OB is a plus.. Timbang ko dati 109kgs,then nagbawas ako naging 82kgs nalang. At take note dhil sa every month akong nag papakonsulta sa OB ko luminis matres ko natanggal pcos ko although bumabalik cla sabi ng OB ko.. Cnunod ko ung meds na bnigay nia at tinuloy ko parin pills ko kc balak ko magbuntis at the age of 27 kaso habang nagpipills ako ayun shookt ako nabuntis ako bgla.. In God's perfect time at xempre eating a well balanced diet.. Kaya mo yan ignore mo lang mga tao jan sa inyo..

Magbasa pa

Una sa lahat masakit talaga makarinig ng ganyan pero if aware ka na may PCOS ka do something about it sis. Try to take supplements na effective- magresearch ka kase iba iba ang pagtake ng katawan natin sa ganyan. Pangalawa wag kang mapressure bagong kasal pa pala kayo. Ako nga 4 years married 2x miscarriage pero buntis ulit now. Praying so hard kay God na eto na talaga ung pra samin. Basta prayers lang and magusap kayong magasawa kung ano talaga plano nyo when magkababy. Kayo ang nakakaalam if ready na kayo at hindi kung sinuman not even your family. Kase ikaw magbubuntis, kaw manganganak at ikaw magpapalaki hindi naman sila. God bless!

Magbasa pa

Pcos ako din ako 2 yrs ttc kami ng husband ko.. Sa loob ng 2 yrs nag folic acid at metformin ako tapos nagdiet din at exercise... nothing is impossible mabibiyayaan din kayo in God's perfect timing... Wag kayo mag do ng husband mo na naistress kayo or nag do kayo dhl magkababy ang aim nyo hnd tlga kayo makakabuo... hayaan mo lang cnasabi nla qag ka mastress kc cause din yan bkt d kayo makabuo.. Kami nung napagod kami mag plan, ayun bgla kami nakabuo.. Mas okay na hnd planado kc naka rest lahat sa inyo.. Mas healthy ang eggs.

Magbasa pa

3 mos pa lang sis maaga pa para sumuko..naranasan ko din yan na mapikon sa mga nagtatanong bat wala pang baby etc etc..after kc naming ikasal nabuntis ako agad pero nakunan ako tapos after 1 yr pa bago ako nabuntis. During that 1 year sobrang bwisit ko sa relatives ng asawa ko na tanong ng tanong kung bat wala pang baby..hai nakakainis talaga mga atat! Wag pa stress sis. Habaan ang pasensya.. Try lang ng try..pag nasimulan mo naman yan sunod sunod na yan hehe..so goodluck and God bless..dadating din yan.😊

Magbasa pa
VIP Member

May plan c god sis kung bkit wala pang baby, besides wala pa nman kauung isang taon na kasal. Nde pa nman ganon ka tagal sis. Minsan nga kung kelan nde pa nkaplano dun dumarating, like c baby namin. March14, 2019 kmi kinasal, balak namin nxt yr na gumawa pra more time pa saming 2,at eto 12weeks preggy ir😊. Marami nmang same case mo sis na nagka baby. Tiwala and pray lng tlg kay god sis, isipin mu lagi na lhat ng ngyayare sau may plan c god. For sure pra sa ikabubuti mu un.

Magbasa pa

Advice ko lang to huh, both of you and your partner why don't you try to take conzace everynight, 2 hours before bedtime. Iyan kasi ang nakatulong sa amin ng husband ko after 7 years of relationship we have and still going on, and we only take that conzace for only a month kasi nalaman ko buntis na pala ako. Tapos sabi ng doctor ko before, i have only a little chance of having a baby kasi i have a breast cyst at malignant daw ito. But syempre you also have to trust God. Pray for it.

Magbasa pa
5y ago

I forgot to tell you, now i am 33 weeks preggy and waiting for a few more weeks nlang.