Sama ng Loob ?

Ang sakit sa damdamin na marinig sa mismong ama mo na bugok daw ako or yung itlog ko kasi hanggang ngayon di ko pa sila nabibigyan ng apo kasi gustong gusto na nila magka apo. Kinasal kami nitong May 18 lang. magti3Months na kaming kasal pero wala pa din ? And alam kong may mali sakin kasi i have pcos pero sa twing may magtatanong sakin kung meron na daw bang laman nginingitian ko nalang. Ayoko nalang magsalita kasi feeling ko down na down ako pag sinabi kong hirap akong makabuo ? Ang sama sama na ng loob ko. ????

93 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sis, hindi daw natin macure ang PCOS pero pwede natin i-manage. I did Lowcarb diet, as in nag cut ako ng sugar, sweets and rice... It helped me get pregnant. God will grant you a baby in His perfect time. God bless

Haluuuu mag exercise ka 30mins everyday and take VCO one table spoon before meals... :) then mag Myra E ka. Nagka PCOS ako 2013 and nung 2018 lang ako nag start sa routine na yan... 2019 nabuntis ako.

Nakakasama nga ng loob ung ganon sis.. Pero positive ka lang wag kang mag paapekto.. Same here may PCOS din po ako.. Wag kang magoaka stress sa kanila.. Be Happy Always and sabayan mo ng Prayer..

Doggy lang po. Ganung posisyon mabilis daw makabuo, sabi dn nila. Nakakatawa man pero wala naman mawawala kung itry nyo. Wag mo nalang pansinin sila. Wag kapo magpakastress makakabuo kadin🙏

grabe nman, walkoutan nyo po pag nagtanong o ulit o sbhin nyo po mahirap po ngaun may covid. kami preggy hndj mkapagpacheckup dahil sa lockdown pati pgbili ng vitamins at pnggastos mhirap po.

Bago lang naman pala, wag mo e pressure sarili mo mamshie. Hintayin niyo lang, pakialam ba nila kung wala pa masyado silang atat. Hintayin nila kamo hindi naman sila yung mabubuntis josko

Nabubuntis po ung my PCOS. Sabi nga nila dapat saw mabuntis Ang my PCOS para mawala. My kakilala akong my ganyan mbuntis nmn. CS nga Lang. Pacheck mo po Yan para maresitahan k po.

VIP Member

Huwag ka mawalan ng pag asa sis.Ako dalaga pa may pcos na.Pero nag ka anak naman agad ako.pag tagal yung pcos ko naging multicystic na siya.Pero after 7yrs eto buntis ulit ako🥰

Nadiagnosed din ako ng pcos 3years ago. Ngayon 8months preggy na... Diet lang tsaka exercise sis... pa check kana rin sa OB para ma advisan ka kung ano pa ang dapat gawin...

Don't worry Mamsh. Ang dami kong kakilala na may PCOS pero lahat sila may mga anak na ngayon. Your time will come. Ibibigay din sa'yo ni Lord yan. 🤗