Paulit ulit akong pinalayas

Ang sakit lng sa dibdib n paulit ulit kang palayasin ng nanay mo sa bahay n inuupahan nyo. Noon dahil sa mga kasinungalingan ng mga kapatid ko ng dahil sa pera naun dahil sa pera p rin. 8months pregnant ako naun bago maglockdown nagkautang ang nanay ko saken ng 4k.alam nyang buntis ako at alam nyang may pinaglalaanan ako ng perang inutang nya panghulog ko sa philhealth yun dahil napilitan nga akong mgstop sa work dahil sa selan ng pagbubuntis ko. So ang usapan nmen katapusan ng march kaya lng nangungutang n nmn sya saken 10k para daw sa ate ko n walang trabaho n may apat n anak n sa knya umaasa. Tumanggi ako ndi dahil ayaw ko magpautang dahil kylangan ko ung pera dahil sa sobrang selan ko mgbuntis palage nlng ako nao ospital.for emergency purposes ung pera ko.may pera nmn ung lip ko pero syempre araw araw ang gastos nmen kaya maliit lng naiipon nmen galing sa sahod nya ung perang inuutang ng nanay ko sa ipon ko un nanggagaling. Nagalit ung nanay ko at ndi n ko kinausap simula nun. Nung mga unang buwan ng ndi nya pagpansin saken medyo naiintindihan ko p syempre tumatanda nagiging matampuhin ang mga magulang nten. Agree kayo mga mumsh!? Hanggang tumagal n ng ilang buwan n ndi nya n ko kinausap. last june nakisuyo ako sa ate ko n baka nmn pde nya banggitin kay mama ung utang n 4k saken kc maghuhulog n ko sa philhealth ko n gagamitin ko rin sana sa panganganak ko this october ang sagot ng ate ko saken like/seen lng daw ginagawa ng mama nmen sa mga chat nya. So ngtaka ako. Ndi nmn cguro ipagsasa walang bahala ng mama nmen un dahil alam nya kung san ko gagamitin ung pera. Hanggang eto n nga ako n ngchat sa knya kahapon. Ang sabi ko lng nmn baka pde ko n po makuha ung utang nyo saken kc mghuhulog n po ako sa philhealth ko para po kasing binabalewala nyo ung pinasasabi ko kay ate. Tapos nagulat ako kung ano ano n pinagsasabi nya saken minura nya p ko hanggang isumbat nya n saken ung mga itinulong nya saken nung nabuntis ako sa anak ko sa pagkadalaga. Mainitin p nmn ang ulo ko naun. Pregnancy hormones kumbaga. Nasagot ko sya sabi ko bakit ndi pb ko bayad sa lahat ng isinusumbat nya saken sa pagtulong sa bahay. Unfortunately ndi nya alam lahat ng tinulong ko kc ndi cnsb ng mga kapatid ko. Sabi ko wag nyo ho akong murahin may respeto p nmn po ako sa inyo. Ung ipon ko kc ginamit muna nmen ng lip ko sa negosyo ung iba sa pautang. Cnb ko yun sa nanay ko ang sagot nya saken wag ko daw sya pestihin sa mga may utang saken. So napasagot n nmn ako kaya nga po sinisingil ko ung utang nyo kc alam nyo nmn po n may pinglalaanan ako nun. Kung anu ano pang masasakit n salita ang cnb nya sken kesyo pasarap lng daw ako sa buhay ndi ko man lng daw inisip kalagayan ng ate ko bago daw ako sumama sa lalaki ko(which is si lip ko ang tinutukoy nya). Hanggang umabot sa ngpakapokpok daw ako kung kaniknino daw lalaki ako sumamasa magkatulad daw kme ng ate ko, na sana ndi nlng daw nya ko naging anak nasagot ko sya n ng dahil lang sa pera ginaganyan nyo ko bakit cla kuya libo libo ang naging utang sa inyo binibigyan p nya ng pera pero ni isang sumbat wala kang maririnig patungkol sa kanila? Sabi nya p lumayas k sa bahay ko ipapasira nya daw ung pinto ng kwarto ko at ipapatapon ung mga gamit ko. Iyak ako ng iyak alam nya n buntis ako tapos palalayasin nya ko eh nandito nmn kme ng anak ko sa bahay ng byenan ko, n wala ako mgagawa kpag pinatapon nya ung mga gamit ko kc ndi ako makauwe dun para sana kunin mga gamit ko dahil bawal lumabas ang mga buntis. Napaka below the belt n pingsasabi ng nanay ko. Na para bang ndi nya ko anak. So sa sobrang sama ng loob ko which is alam kong mali nakapagsalita ako n sana ndi rin sya ang naging nanay ko.ang sagot nya saken magkalimutan n daw kme. Sabi ko cge ho pakibayaran nlng ung utang nyo magkalimutan n ho tayo. Labag sa loob ko ung cnb ko iyak ako ng iyak kaya lng ang sakit kc parang ndi nya ko anak lalo n nung sabihan nya ko na ngpakapokpok daw ako n kung kanikaninong lalaki ako sumama. Which is alam nya n ung lip ko bago kme ngsama nging mag bf/gf kme 5yrs ago. Bago kme ngkabalikan ngka bf ako n lesbian for almost 4yrs. Naun ko lng talaga napatunayan n iba pala tlaga nagagawa ng pera sa tao. Walang pinipili mapa ibang tao o kapamilya mo mismo. Lahat ng convo nmen ng nanay ko pinabasa ko sa lip ko pati sya ngtataka bakit gnun daw ako tratuhin ng nanay ko. Sabi ng lip ko hayaan mo n pera lng yun kikitain nmn nten un.ang saken lng nmn kc sinubukan ko lng nmn ndi ko nmn tlaga ugaling maningil sa mga nagkakautang saken nsa sa knila kung mgbabayad cla nsa isip ko kc iba kpg pamilya lalo n alam ang kalagayan ko ngkakamali pala ako. Alam ko sa pagtatalo nmen ng nanay ko may pagkakamali ako pero ako lng b ang may mali mga mumsh!?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ang haba pero binasa ko hanggang dulo. Pera lang yung issue pero umabot sa magkalimutan na kayo. Momsh, di worthit ang 4k para magkalimutan na kayo ng nanay mo. Siguro may sama lang din sya ng loob sayo kaya ganun dedma sya nung una. If kaya mo ask for forgiveness na din. Kase aminado ka naman na may mali ka. If after that ganun pa din sya.. stop na muna. Focus on your pregnancy. Makakapag isip din yun at magiging maayus din kayo. Mas masaya manganak na walang may galit o tampo sayo.

Magbasa pa