Sa sobrang bait ni hubby nagiging OA na

Ang hubby ko sobrang bait, tahimik na tao, mapagmahal, walang bisyo at responsible. Ako yung na stress para sa kanya dahil sa sobrang bait nya inaabuso na sya ng pamilya nya lalo na mga pamangkin nya. Like kumukuha ng kung anu anu mga gamit dtu sa bahay ng hindi nagpapaalam, labas pasok sa bahay (nakatira kami ngayun n sa parents nya) hinihiraman nila lge ng pera, tinatawag sa kung anu anung mga pangit na pangalan. Pinagsabihan ko sya kung bakit di nya pagsabihan ang mga ito, na pwedi namn sya tawagin tito/uncle/kuya or khit name mn lang nya. Ang sagot ba namn nya hayaan na lang dahil ayaw nya ng gulo, ayaw nya masira relasyon nya sa pamilya nya. Sa isip ko ang OA namn ng reason nya panu maitatama ang mga yan kung hinahayaan lang. Ito namn si ako, di nka tiis na makita asawa ko na inabuso na kaya pinagsabihan ko mga pamangkin nya, na di maganda kumuha ng mga gamit nang di nagpapaalam lalo may nagmamay ari nito, at pki respeto nmn ang tito nila dhil abuso na ang nkikita ko, ang sagot ba namn sa'kin ng pamangkin nya na di ko dw alam na ito dw nakasanayan nila sa kanilang pamilya dapat ako dw mg adjust sa kanila dhil nandito dw ako sa territoryo nila pero eni insist ko na ayaw ko mas willing akong umalis sa teritoryo nila kaysa makisama sa maling nakasanayan kaya ayon nagkakagulo, galit sila ngayon sa'kin. Pati kami ni hubby di na nag imikan. Anu kaya maganda gawin kay hubby para namn magkaroon ng respeto mga pamangkin nya sa kanya dhil hinahayaan nya lang kung anu trato sa kanya ng mga pamangkin nya. Ako na stress e 🙈

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles