Trust Issues (Long post)

Ang hirap talaga pag nawala na 'yong tiwala no? Hindi naman siya nambabae, not that I know of. Haha! Pero let's say na medyo lapitin siya sa babae kasi he's very friendly and outgoing, minsan clingy pero depende sa vibes niya sa tao. Ang haba kasi ng pasensya ko eh haha and may history siya na babaero pero I can see that he's a changed man (Talaga ba? Haha!). Ang laki ng pinagbago niya compared dati na babae here, babae there before naging kami. Siguro kasi magkakaanak kami (not married) kaya bumait na siya, pero hindi nawala 'yong pagiging friendly niya sa babae, dagdag din na okay lang sakin since kilala ko 'yong mga babae na 'yon. PERO we all know that betrayals don't come from enemies; they're from the people close to us. Nawala lang 'yong tiwala ko sa kanya simula nung di niya na binigay 'yong password ng accounts niya(nagaway kami), and then nagsimula na siyang 'di ako iupdate sa kung asan siya ('di kami magkasama sa isang bahay) and malalaman ko nalang 'yong ganap niya after mangyare na. At first, grabe galit ko kasi I feel disrespected kasi he purposely ignores me eh tipong gusto ko lang malaman kung kumusta na siya tapos 'di man lang magawang magsabi kung asan at ano na nangyare sa kanya. It defeats the purpose na pinapayagan ko siya sa lahat ng bagay. Ang sakit lang na kahit maluwag ako sa kanya nagagawa niya parin magsinungaling. Lagi kaming nageeffort magcommunicate and nagpupunta siya sa bahay kahit pagod galing sa work tas late na umuuwi sa kanila, pero ngayon 'di na and there was a time na sobrang sama ng loob ko kasi parang sa aming dalawa ako nalang 'yong consistent na nageeffort sa lahat, but napapansin ko lately nagsasawa narin ako sa routine namin. I still very VERY much love him. Pero the fact that I can feel na ako nalang nagiging consistent na mageffort to communicate parang nawawalan na ako nang gana na magpapansin sa kanya to the point na pag 'di siya nagrereply dedma nalang, 'di katulad dati na para akong mababaliw sa kakaisip na baka may ineentertain siyang iba but ngayon hinahayaan ko nalang. Balakajan. Haha! It's like 'yong love ko sa kanya paonti-onti nalang because he doesn't make the effort to communicate with me and dahil na rin sa tiwalang nasira niya. I just wanted to share kasi magkasama kami kanina after a week of not seeing each other haha and he said jokingly, "Nagbabago ka na noh?" And imbis na tumawa ako tumango lang ako. Totoo nga 'yong sabi na pag napapadalas ung pag dedma sa babae, sinasanay mo lang siyang mabuhay ng wala ka. PS. He is VERY clingy to girls. Grabe makayakap akala ko jowa niya 'yong girls. PPS. A part of me is saying na kaya kami gan'to kasi 'di pa kami nagsasama since 'di pa ako nanganganak (nagdecide kami na dito muna ako sa fam ko) so pag nanganak ako magkasama na kami everyday. Let's see if babalik 'yong consistency and love namin dati unlike now na parang wala ng gana. ❤️FTM@19

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Distance makes the heart go fonder but in some cases nakakatulong makaforget. Nakakapagod maghabol, mommy. Focus on yourself and your baby. Di na uso maghabol ngayon lalo na magpakamartyr. I think you're just seeing him kung ano talaga siya, nawawala na siguro yung effect niya sa'yo and I think it's a good thing. Bata ka pa, mommy. Makakamove on ka din and makakakita ka din ng guy na you don't have to chase after para lamg mahalin and mapansin. Kaya mo yan. Move on and let go 🙏❤

Magbasa pa
5y ago

Thank you for you encouraging words, mamsh! ❤️ We're good naman pero siguro sanay lang ako sa dating efforts niya and now naipapakita na niya 'yong totoong siya na sometimes mahirap makakeep up. Hopefully, our baby will be the wake up call that our love desperately needs. Thank you uli!

Ganyan din mister ko. Lalo na sa work nya harot nya sa mga girls nakakainis. Buti pa nga yung mga kawork nya napupusuan mga post lalo na pag selfie smantalang sakin. Seen lang. Nakaka insecure yung ganon eh. Kaya ginawa ko inunfollow ko lalo na ung pinagseselosan ko. Pero ngayon sabi ko sa sarili ko sasanayin ko nalang na kung ganon sya edi ganon sya. kung magloko sya edi go basta sakin ang anak ko.

Magbasa pa
5y ago

Yeeeees sis! 👏👏👏 We are more than how they treat us. Strong tayo!