Living with parents

Ang hirap pala talaga makitira kahit magulang mo pa sila. Grabe halos lahat isusumbat halos lahat mali mo eh. Wala ng nakikitang magandang nagawa mo. Iisang anak lang ako and ngayon may partner and baby na din pero dito kami nakatira sa bahay ng parents ko. Ang hirap, nag babalak na kami bumukod ng partner ko, pero ngayong malapit lapit na kami makabukod, ngayon pa nag kakalabasan ng sama ng loob. Ang hirap. Akala nila di kami natulong sakanila sa mga gawaing bahay. Di kase nila nakikita dahil may mga pasok sila. Isusumbat pa nila lahat na kala mo eh wala ka ding naitulong sakanila. Kung tutuusin nga di naman sila mag kakaroon kung di dahil. Sa amin ng partner ko pero hay nako po. Ang hirap mag salita. Tiis na lang talaga. Pero kanina nasagot ko na magulang ko sumusobra na grabe ang hirap parang di nila ka ano ano yung kasama nila sa bahay. #advicepls #pleasehelp #pleasehelp

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wala ka magagawa kase nakikitira ka talaga sakanila. Kung maaga ka nag buntis at yan mali mo ang sinumsumbat nila wala ka magagawa kundi marinig yan ng paulit ulit. Kahit anong pagkakamali mo pagagalitan ka talaga. Umalis kayo sa poder ng parents mo para mag humilata ka man wala ka maririnig. Yan ang the best. kahit maliit na kwarto lang. Mahirap talaga ang nakikitira bhe. I experienced dati na para akong katulong kase nakikitira lang kami gusto ko matulog ng tanghali di ko magawa syempre na namimiyenan ako 😅namatay father ko. di ko sinabi na para akong katulong sa ibang tao, iisang anak lang din ako and maaga nag asawa.. the best pa din ang may sarili ♥ Keri yan. bumukod ka. nagging masikip na ang bahay kamo at need niyo din matuto. mapag kasya kung ano meron kayo. ganon. tapos mag Thank you ka sa pagpapatira sa inyo kahit sama ng loob ang nabigay sayo ☺️. kase nakinabang kapa din sakanila.

Magbasa pa