Living with parents

Ang hirap pala talaga makitira kahit magulang mo pa sila. Grabe halos lahat isusumbat halos lahat mali mo eh. Wala ng nakikitang magandang nagawa mo. Iisang anak lang ako and ngayon may partner and baby na din pero dito kami nakatira sa bahay ng parents ko. Ang hirap, nag babalak na kami bumukod ng partner ko, pero ngayong malapit lapit na kami makabukod, ngayon pa nag kakalabasan ng sama ng loob. Ang hirap. Akala nila di kami natulong sakanila sa mga gawaing bahay. Di kase nila nakikita dahil may mga pasok sila. Isusumbat pa nila lahat na kala mo eh wala ka ding naitulong sakanila. Kung tutuusin nga di naman sila mag kakaroon kung di dahil. Sa amin ng partner ko pero hay nako po. Ang hirap mag salita. Tiis na lang talaga. Pero kanina nasagot ko na magulang ko sumusobra na grabe ang hirap parang di nila ka ano ano yung kasama nila sa bahay. #advicepls #pleasehelp #pleasehelp

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yung sa amin naman, may sarili na kaming bahay pero nasa iisang compound lang. Nahihirapan ako kasi yung biyenan ko eh lahat ng utos iniaasa sa asawa ko. Pati problema ng mga kapatid nya, asawa ko pa yung naghahanap ng paraan para maresolba. Tuwing umaga, minsan pag hapon at nagpapahinga ang mister ko, pati gabi, kinakatok kami para mag utos na may ipinapabil, atbp. Parang ginagawa niya lang na utusan yung anak niya. ewan, mahirap magsalita. Magkaka anak na din kami soon, di ko alam kung tama bang dito pa din kami. Di ko din masabi sa mister ko na talagang bumukod na kami kasi kahit papano, parents nya yung maiiwan niya.

Magbasa pa
2y ago

mahirap talaga pag malapit lang sa mga in laws or even parents hehe. sana sa susunod mahanap na natin yung peace of mind na gusto natin. 😅