Living with parents

Ang hirap pala talaga makitira kahit magulang mo pa sila. Grabe halos lahat isusumbat halos lahat mali mo eh. Wala ng nakikitang magandang nagawa mo. Iisang anak lang ako and ngayon may partner and baby na din pero dito kami nakatira sa bahay ng parents ko. Ang hirap, nag babalak na kami bumukod ng partner ko, pero ngayong malapit lapit na kami makabukod, ngayon pa nag kakalabasan ng sama ng loob. Ang hirap. Akala nila di kami natulong sakanila sa mga gawaing bahay. Di kase nila nakikita dahil may mga pasok sila. Isusumbat pa nila lahat na kala mo eh wala ka ding naitulong sakanila. Kung tutuusin nga di naman sila mag kakaroon kung di dahil. Sa amin ng partner ko pero hay nako po. Ang hirap mag salita. Tiis na lang talaga. Pero kanina nasagot ko na magulang ko sumusobra na grabe ang hirap parang di nila ka ano ano yung kasama nila sa bahay. #advicepls #pleasehelp #pleasehelp

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Paano naman yung kagaya ko unica hija lang din ako tapos single parent pa gustuhin ko man bumukod ng kami lang mag asawa at ng magiging anak namin kaso di maiwan yung isa dahil hlaf body nya stroke. Palagi nalang kami nag aaway dahil nga di rin makaappreciate, ang dami din masyadong sinasabi. tapos feeling lagi kinakawawa at nagsusumbong sa mga kapatid kahit wala naman talagang ginagawa sa kanya kaya ang ending ako yung napapasama sa mga kamag-anak namin.

Magbasa pa