Living with parents

Ang hirap pala talaga makitira kahit magulang mo pa sila. Grabe halos lahat isusumbat halos lahat mali mo eh. Wala ng nakikitang magandang nagawa mo. Iisang anak lang ako and ngayon may partner and baby na din pero dito kami nakatira sa bahay ng parents ko. Ang hirap, nag babalak na kami bumukod ng partner ko, pero ngayong malapit lapit na kami makabukod, ngayon pa nag kakalabasan ng sama ng loob. Ang hirap. Akala nila di kami natulong sakanila sa mga gawaing bahay. Di kase nila nakikita dahil may mga pasok sila. Isusumbat pa nila lahat na kala mo eh wala ka ding naitulong sakanila. Kung tutuusin nga di naman sila mag kakaroon kung di dahil. Sa amin ng partner ko pero hay nako po. Ang hirap mag salita. Tiis na lang talaga. Pero kanina nasagot ko na magulang ko sumusobra na grabe ang hirap parang di nila ka ano ano yung kasama nila sa bahay. #advicepls #pleasehelp #pleasehelp

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same Unica hija ako at nakapag asawa may dalawang anak.. Sabi ng parents ko wag muna kami bumukod since sila lang dalawa ng nanay ko nasa bahay mas masaya sila kasama kami at mga apo nila . Pero di nawawala yung nagtatalo talo talaga kaya mas maganda mas sariling bahay talaga . Yun naman ang goal di ba pag pamilyado na dapat nasa ibang bahay na .. kaya meron na din kami sariling bahay naipundar namin ng asawa ko.. kahit sinasabi ng magulang ko na ibenta nalang namin at dito nalang kami Sama Sama di ako pumayag 2nd investment namin Yun . nauna namin ni hubby magpundar ng sasakyan kasi naniwala kami na magiging ok talaga kahit Sama Sama kami . Pero Mali ako . di pala ganon kadali.. lalo na sa part ng husband ko pinapagalitan pa kasi ako ng magulang ko minsan minumura pa . gusto ng husband ko sumagot Pero di niya ginagawa kasi malaki respeto niya sa magulang ko at Isa pa mas lalo lalaki ang away kung makikisali pa si husband kaya pinili niya manahimik nalang .. Pero nasa isip na ng asawa ko na umalis na kami dito .. kinukumpleto lang namin mga kulang pa sa new house bago kami umalis...

Magbasa pa
2y ago

Nako sis same, ngayon mah bahay na kami na hinuhulugan pero nung una naming sinabi sa parents ko di man lang natuwa sabi sayang daw at may bahay naman daw kami (yung bahay nila). After 3 years pa kasi kami bago makalipat kaya ang hirap gusto ko din sana mangupahan muna kaso mag dodoble doble naman di ko alam ano ba magandang gawin. Ayoko na din makitira dito sobrang nakakasakal na lahat na lang isinusumbat pero di marunong mag appreciate at mag pasalamat sa mga naitulong namin. Sa totoo lang mas marami pa kaming naitulong at nagawa para sakanilang dalawa pero ngayon eh parang wala na lang, di ko din naman na sinusumbat yon sakanila dahil ayoko na lumaki pa yung gulo hays.