Ang Hirap

Ang hirap pala no kung immature ang Lip mo. May nararamdaman ka sa katawan mo, hindi mo masabi kase iniisip niya kaagad yung magagastos. Naiintindihan ko naman na wala pa siyang trabaho pero diba? Buntis ako at kailangan ko ng mga check-up. 26 yrs old siya at 23 naman ako. Akala ko, pag mas matanda sayo, mas matured. Hindi pala. Wala akong ibang maaasahan Broken Family kami at wala na akong Contact sa Papa ko. Yung mama ko naman, nasa Saudi. Nag aalala ako sa Baby ko kase mejo maselan pagbubuntis ko pero sinasabi sakin ng lip ko, "Hindi tayo mayaman para Magpa OB ka ng magpa OB". Hati naman kami sa gastos pero bakit ganun siya? May pinagawang lab test yung ob wala pa akong nagagawa. Balik sana namin sa 9 pero di na makakabalik kase nga gastos lang daw. Sa Center naman nagpapasama ako, wala daw kaming pamasahe pero may hawak siyang malaking pera pambili ng motor para daw makapag apply na siya ? haaays nakakasama ng loob .

58 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi po mamsh. Mahal nga po yung ob kaya pag kinakailangan punta na kayu.. hindi naman po siguro araw2 gagastos ng ob diba... May panggastos sa motor tas sa baby nyu keber? Eh hindi po yan maganda mamsh. Mag.usap po kayu inform nyu po sa kanya na needed kang magpunta sa ob for the sake of ur baby. Aku nga din po mamsh may ob ako pero,sa panahon ngayun practical na tayu.. Nagpalista po ako sa center ng brgy namin tsaka baka magpalista ndin po aku sa birthing center na malapit dito sa amin para libre po yung mga vaccine or yung mismung pangananak natin basta may Philhealth. Gustohin ko man po sa ob aku kaso yung Lip ko. Lang din yung may work.. Kaya gawa nalang po aku ng ways makalibre :) Sa own opinion ko. Lang po ito mamsh ha hehe

Magbasa pa