gusto ko ng mawala
Ang hirap ng sitwasyon kapag buntis ka tapos di nila alam, ambigat bigat sa loob tumira sa bahay ng magulang ko... Simula pa high school ako pinangarap ko ng umalis dito sa puder ng magulang ko kasi kahit nabibigay nila yung needs namin magkapatid ang hirap makisama dito kasi simpleng bagay away wala kang peace of mind kahit busog ka. Simula noon sinabi ko sa sarili aalis ako dito kaya at the age of 19 nakagradruate na ko college bilang engineer, after almost two months nagwork na ko agad sa malayo sa bahay namin, one month after I started working lumipat na ko sa boarding house malapit sa work ko para makalaya nako sa stress sa bahay dahil lagi araw araw akong OT tapos gusto pa nila ako patulungin sa bahay 11pm makakauwi tapos 3am gigising ang tema ko nung asa kanila pa ko kaya di ko na nakayanan kaya weekend lang ako umuuwi after work. Fast forward malapit na ko mag one year sa trabaho buntis ako ngayon, di ko officially pinakilala yung boyfriend ko pero nakita na nila one time, gusto ko ng sabihin sa magulang ko na buntis ako para gumaan na yung pakiramdam ko pero naabutan kami ng lockdown bago namin masabi yon kaya ngayon kailangan ko maghintay matapos to para masabi na namin. Ang bigat bigat na ng loob ko dito. Ayoko na magstay pa dito sobrang naiistress ako. Bumabalik yung mga masasama kong iniisip na iniwan ko na simula nung umalis ako dito. Gusto ko na naman magsuicide. Mahal na mahal ko yung baby ko at mahal din kami ng boyfriend ko pero pag nandito ako samin gusto ko na lang ipalaglag tong bata... Ansama sama ko pero di ko maintindihan sarili ko kapag nandito ako. Sobrang lala ng utak ko. Depressed na depressed ako. Samantalang kapag na sa bahay ako ng boyfriend ko antahimik ng utak ko imbis na mag away kami pinag uusapan namin para di na lumala pa dahil masama sa baby namin yung stress. Sorry sa abala sobrang sama lang ng loob ko.