Ang hirap ng ganito. 3 weeks pa lang akong nakakapanganak. Pakiramdam ko naging emosyonal ako. Palagi kong naiisip daddy ni baby ko. Iniwan nya kasi kami. Naaawa ako sa anak ko lalaki syang walang daddy ? hindi ko alam bakit bigla nalang syang hindi nagparamdam. Maayos naman pag uusap namin nung buntis pa lang ako. Tuwing pagmamasdan ko si baby ng tulog naiiyak ako. Advice naman po mga mommies. Ano po pwede kong gawin para maiwasan ang pagiging emosyonal. Ayaw kong makita ng anak ko na mahina ako.