Ang hirap naman nito. Halos kagagaling lang ng baby ko last month sa ubo. Tapus ito na naman. Mahal pa naman gamot. Hayss. Ang hirap talaga. Bakit kaya ganun pabalik balik ubo nya ? Di ko pa sya mapa check up ngayun wala pang pera kasi. Pang 2days na now na inuubo sya.

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Uso din kasi sa panahon ngayon ang ubo at sipon mommy. Dapat may stock ka na palagi ng gamot ng ubo nya sa ref para everytime na uubuhin sya, inom agad para maagapan. Ganun kasi ang ginagawa ko sa little girl ko. Hindi na lumalala yung ubo nya. Saka iwasan mo syang matuyuan ng pawis sa likod. Iwasan mo din na makaamoy sya ng mga usok. :)

Magbasa pa
9y ago

May ambroxol pa na natira dito sis pinainom ko naman na kaya lang naubos na. Peru ngayun thanks God medyo umokey na sya. More on water parin sya medyas sa gabi.