Hirap magtanong sa byenan

Ang hirap makisama, minsan ayaw ko na lang magtanong. Nagtanong ako anong pakiramdam ng humihilab since first time ko 'to at nasa 3rd trimester na ako. Wala kasi akong nararamdaman na kahit ano, kahit pa nung nagstart pregnancy ko, hindi siya maselan. So hindi ko rin alam kung ano ba yung hilab, based kasi sa mga nababasa ko pagdating ng 3rd trimester makakaramdam na ng paghihilab (braxton hicks), ang sagot sakin ng byenan ko "pagsumakit na yan malalaman mo,lalabas na yan" na parang ang galit pa ang tono ng boses niya. Hays hirap makisama. Sabi ko pa pakiramdam ko pagod na pagod katawan ko kahit na kakagising ko lang o wala pa akong ginagawa ang sagot niya sa akin "puro ka kasi tulog,dapat matuto ka ng maaga gumising" maaga naman ako gumigising palagi ๐Ÿ˜… gumagawa pa nga ako ng mga gawaing bahay, dahil mga wala silang kusa. Nakakabigat lang ng loob.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan karamihan sa knila, ija judge lng tayong mga nanay. Hanap ka po ng mommy friends mo n masasabihan mo.