FACT OR BLUFF

Ang buntis na mahilig uminom ng malamig na tubig ay mahihirapang manganak. Tama po ba o mali. Kasi may nakapagsabi sakin na hindi daw maganda eh sobrang init naman po ng panahon.

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Super bluff... Mahilig ako sa fruit shake and even milk tea nung buntis ako pero di naman ako ganun nahirapan manganak. Wala naman yan sa temperature ng iniinom. It's more on the content ng iniinom at kinakain natin that will affect our pregnancy and delivery.

Parang hindi naman po mommy. Ako po buong duration ng pregnancy ko laging malamig na tubig ang iniinom ko. Ayaw na ayaw ko po ng hindi malamig except lang po pag iinom ako ng milk. Ok naman po delivery ko 5 ire lang nailabas ko na si baby.

5y ago

Sinasabi po kasi ng mga hipag ko na mahihirapan daw ako manganak kapag dahil sa dugo na parang tubig dahil sa malamig na iniinom ko. Sobtang init po kasi ng panahon kaya panay ang pang inom ko. Minsan galing pa sa freezer na nagyeyelo

Mali! Hahaha Manager ko nung buntis yon, araw araw yon halo-halo, pero di sia nahirapan, 2mins lang lumabas na baby nia. At di rin sia nahirapan sa paglalabor. Sabe dn ng ob ko wala kinalaman ang malamig na tubig..

Bluff. Di naman ako nahirapan ilabas kahit 3.3kg siya. Wala pa ko punit sa labas. Sa cervix lang. Induced labor pa ako kasi over na sa due date. Kaso si baby mainitin need niya lagi nasa aircon.

VIP Member

Bluff mamshie ako since nag buntis ako puro cold water talaga ininom ko then that time na my water rupture tsaka pa ako nag labor tapos 2hours labor lang ako at 3 pushes labas agad si bby.

Wag lang daw po masyado sa sweets kasi nakakalaki daw ng baby sa loob mas mahirap ilabas pag lumaki ng sobra si baby. Im on my 28th week and I’ve decided na wag na mag rice muna.

depende kung puro ka malamig ako kc sa araw lang nagmamalamig s gabi hindi malamig iniinum ko mas mabuting sumunod kesa magsisi sa huli at macs tau ng wala s oras

VIP Member

Kaway kaway sa mga preggers na kagaya ko pagkatapos umihi ng madaling araw dretso agad sa ref para uminom ng malqmig na tubig😋😂

Hindi lang ako pinapainom madalas ng tubig ng mama ko since may covid. Pero wala naman sinabi na nakakasama sa pregnancy ang cold water 🙂

Not sure, kasi ako malakas ako sa rice pero nong ultrasound ko nong 38 weeks, 2.8 kg lang si baby, hindi ako mahilig sa cold water