mababa matres

ang baba ng matres ko si baby nasa bandang puson ko na malapit sa pubic area. yung bandang puson ko ang lumalaki. minsan masakit siya naglalagay naman ako minsan ng unan sa balakang ko . ano pa po kaya pwedeng gawin ?

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello sis kapag ganyan po wag kana po magbuhat ng mabibigat at dapat bed rest ka nalang kase may possibility manganak ka ng maaga.. Same sa nangyari sa akin dalawang anak mababa talaga matres ko kase nung 1st anak ko 6mos lang naianak ko na hindi nka survive mins lang, pag 2nd baby ko kulang ng weeks kaya pinailawan siya pagka 3rd naman 8mos lang siya nai anak q na kaya 1month sa incubator. Napaka maselan ko kase kapag nabuntis ako.. Kaya now super ingat ako kase auko maulit uli kase kawawa si baby kapag kulang sa buwan na maipanganak naten.. Extra careful at bed rest nalang po.. God bless us mamsh!! I am 10weeks preggy na hopefully ma full term na.. 😊😊

Magbasa pa
7y ago

yes mamsh basta iwas tayo sa mabibigat na trabaho then kung malaki na tiyan wag na sumakay ng motor or byahe kase may possibility na mag spotting tau kase sa mababa ang matres naten.. ganun kase ako..