Normal ba?
Hi, may anak ako tatlo sila and hiwalay sa asawa. I have a boyfriend and we live together pero nauwi ako sa mga anak ko weekly. Hindi kasi ako maka stay sa bahay gawa ng sobrang ingay at kulit ng mga anak ko. Given ng edad nila talagang di nila maintindihan ung nature of work ko wc is homebased and speaking to people over the phone. So to cut the story short, nagsasama kami ng bf ko pero I think may problema sya when it comes to money. Hindi ko kasi agad nakita na ganon sya, hindi nya ako tinutulungan sa financial para sa mga kids ko (wc I dont ask for help talaga) kahit minsan baon na baon na ko natatakot kasi ako manghingi ng tulong sakanya kasi ultimong mga lazada orders ko for toiletries na nagkamali ako ng order dapat gcash but diko napalitan ung cash on delivery, they are less than 500 pesos pero he keeps on nagging. Pero when it comes to food naman or something na makikinabang sya hindi sya nagagalit. Even ung semi comforter ko na kumot hindi maipasama sa Laundry kasi may dagdag daw na 100 pesos. I dont know if this is normal. Hindi rin ako nakakahawak ng pera nya kasi para sakanya mas maigi daw sya magbudget wc wala naman akong problema. He has more or less 100k sa bank pero sobrang makapagsalita sya most times parang walang wala na. Nagcocontribute naman ako sa bahay specially pag may pera ako, mga gamit namin and all pero hindi kaya ng consistent kasi nag aaral mga anak ko and I pay all the bills sa kabila pati allowance since inaalagaan sila ng parents ko.. I am just sad lalo na ngayon kasi parang galit pa sya sakin kasi sinumbatan nya ako and pumalag ako sabi ko, grabe sa halagang less than 500 sa lazada na sa bahay ko naman ginastos. Kakatapos ko lang kasing maglinis ng cr nainis ako kasi siguro sa pagod. I dont know what to do. He has this attitude na parang pera lang at sarili nya importante sakanya. PS: Magkaibigan na po kami before pa maging kami hindi ko po sya nakilala because we’re looking for dates or what. I’ve been into a messy relationship and depression and he’s one reason how I cope up. Medyo napapagod lang po ako sa sumbatan portion.
Threads: @s.a.r.a.h_m.a.e | TAP since 2020