may anak ako na 8yrs old and preggy ako now.
lagi kase syang sinasaktan ng kalaro nya na babae. lalaki ang anak ko na sweet at hindi brusko. pinalaki ko din sya na wag gaganti sa babae pero parang sumosobra na kase ung anak ng kapitbahay namin na dalawang babae. 9 yrs old at 7 years old. minsan nga umuwe sya na puro pasa sa muka at kalmot sa dibdib at kamay binugbog daw sya at pinagsasabunutan sampal nung 9 years old. just yesterday bigla naman syang tinulak nung 7yrs old habang nakatalikod sya nagkaron sya ng mga galos sa tuhod. mga mommies piniga ko talaga anak ko at pinaamin kung may ginawa ba sya pero wala e. kilala ko din sya. umuwe na nga sa naiyak na sya sakin at sabi nya mommy bakla na lang ako para magantihan ko sila. minsan di na din sya nalabas dahil sa pambubully sa kanya kahit umiwas sya. mababa din ang confidence nya dahil feeling nya hindi na sya magkakaron ng kaibigan
i can do nothing kase kahit ung nanay nung mga bata kinukunsinti mga ginagawa nila.
they even resolted to writing my sons name saying bobo sya sa mga pader at kalsada.
nakakastress ung sitwasyon dahil kahit ung asawa ko wala ding magawa at nagaaway lang kami bcoz of it.
mali ba talaga na pinalaki ko syang ganito "kalambot" should i teach him na manakit na din ng babae in this kind of situation 😥
Anonymous