:((((((((
Ampangit ko po ngaung buntis ako pero okay lang po pero nakakasama po ng loob ung kawork/kaibigan ng MIL ko sinasabihan ako lagi ng panget. Sa Maternity Clinic po nagttrabaho yung MIL ko tapos libre check up po ako don, tapos ayun po nung 5 months na akong pregnant and nagpacheck up don for my monthly check up sabi nya sakin habang kinukuha vital signs ko; "lalaki siguro yan ampangit mo e" tapos napamura ako mahina lang di nya narinig tapos sabi nya sa mga katrabaho nila (wala si MIL ko di nila kasama sa reception) habang bini-BP nya ako; "lalaki siguro anak nya" "ampangit nya no" sabay turo ng ilong nya indicating na pangit ilong ko. Tapos nakayuko lang ako. Tapos ngayon 8 months na akong buntis pumunta sila dito sa bahay ng MIL ko eh dito pa kami nakatira ni husband, kumakain sila sa kusina tapos andito ko sa kwarto pinagkkwentuhan nila ko ano gender ng baby ko some of them sinasabi girl daw pero sya ulit yung laitera sabi nya "lalaki yan halata naman e" "pumangit ung asawa ni *** e" TAENA NYA NAWALAN NAKO NG GANA KUMAIN LAITERA DIKO NAMAN PDE SAGUTIN KASI DI NAMAN PO AKO PINALAKI NG NANAY KO NA MAGING PALAAWAY O PALASAGOT. At chaka kaibigan sya ng mama ng husband ko ayoko maging salbahe kaya dito nalang ako sa kwarto. Tapos yung pamangkin ng asawa ko na 4y/o tinatawag ako ngayon ng panget kasi narinig sa kanya :( alam ko po sinasabi nila yun kasi nga totoo naman pero the nerve, di ko naman po sya close :( at chaka po asawa ko at mama ko lang nagsasabi saken nun okay lang pero yung paulit ulit ko marinig sa ibang tao nakakastress po :( gusto ko sana post dito pic ko nung dalaga vs. Buntis ako pero nahiya na ako. Bakit may mga ganung tao!!! :(