Do you allot fix budget for your parents and inlaws monthly allowance?
It really depends mommy. Kasi may mga parents na nakapag tabi para sa kanikang future at meron naman na hindi. So sa mga mga hindi nakapaghanda ng future, bilang anak kelangan natin sila tulungan at sa mga nakapaghanda naman at di masyado kelangan ng financial assistance eh pwede pa rin sila bigyan. Depende yan sa naging culture ng family. Walang masama sa pagbigay but if you have siblings and you think na kelangan ng parents ng financial assistance, kelangan sila magshare because lahat naman kayo ay mga anak. Kramihan kasi sa Filipino culture kung sino nakaka angat, sya lahat ang sagot. Dapat sana hindi ganoon, ipakita sana sa family ang bayanihan for the sake of love to our parents Nang sa ganon ay mas magaan ang pag babudget ng bawat isa. ☺👍
Magbasa paDati nagbibigay lang ako pag talagang need nila like emergency or walang wala talaga sila budget for food or pamabayad kuryente,dahil ako naman nagpapaaral sa dalawang sister ko. Ngayon na may baby na ako at may mga trabaho na din sisters ko di na ako nagbibigay kasi need ko na mag ipon for my Lo.
No, we only give what we can. But if they need a bigger amount like for an emergency, ginagawan din naman namin ng paraan. Mas okay na din yung walang fix na amount para they don't expect na mayroon lagi especially may anak din kami.
Yes. Dati hindi, kung magkano lang ang kaya. Ngayon medyo may extra kami, napagkasunduan namin ni hubby that we'll allot a certain amount para sa both parents namin. Makatulong man lang kahit pambili ng maintenance medicines nila.
Nope. If may extra nagkukusa kami na magbigay pero hindi naman sya obligatory. Kung Birthday at Christmas, sort of automatic na may ibibigay kami na kahit maliit na amount pero not on a monthly basis.
As of now, nagbibigay lang kami kung ano ang makakayanin namin since kakasimula palang naman namin na mag-settle down. :)
Kami ay groceries ang ibinibigay namin sa in laws and parents namin. Na-aapreciate naman nila, malaking tulong din kasi.
No fixed budget. Hindi lang din namin nakasanayan and ayaw din nila tanggapin since they know that we also have 2 kids.
Yes. Same amount for both sides. Hindi man ganun kalaki, kahit pano makatulong din sa panggastos nila.
No. They live far from us. Pag dumadalaw lang kami, nagdadala na lang ng food or any stuff.