Do you allot fix budget for your parents and inlaws monthly allowance?

It really depends mommy. Kasi may mga parents na nakapag tabi para sa kanikang future at meron naman na hindi. So sa mga mga hindi nakapaghanda ng future, bilang anak kelangan natin sila tulungan at sa mga nakapaghanda naman at di masyado kelangan ng financial assistance eh pwede pa rin sila bigyan. Depende yan sa naging culture ng family. Walang masama sa pagbigay but if you have siblings and you think na kelangan ng parents ng financial assistance, kelangan sila magshare because lahat naman kayo ay mga anak. Kramihan kasi sa Filipino culture kung sino nakaka angat, sya lahat ang sagot. Dapat sana hindi ganoon, ipakita sana sa family ang bayanihan for the sake of love to our parents Nang sa ganon ay mas magaan ang pag babudget ng bawat isa. βΊπ
Magbasa pa


