I just want to share my Birth Story ❣️

(Alam kopo marami mag Judge sa akin sa ending nito. But its okay) Last November 26, 2019 Straight duty ako sa work ko, btw nag wowork ako sa isang kiosk sa mall. Then dahil ako mag isa di maka alis sa store i choose magpa delivery ng Chowking. Mga bandang 3pm nag start na sumakit ng tummy ko. I don't know kung baket, isip ko napapa poop lang ako. So, nag cr ako ng 3 beses. Unang beses may lumabas ther of 2 wala na pero still masakit paren. Nag praray ako sana maka uwi na kasi masakit nga tummy ko. Pag dating ko sa bahay nag hilamos nako at humiga. That time may ubo ako, nag tataka ako bat may lumalabas na liquid sa ano ko. So isip ko lang dahil sa ubo ko napapa wiwi ako. Naka ilang beses nako palit ng undies and shorts. The whole night. The next day (November 27, 2019) The whole day lang ako naka higa dahil sobrang sakit ng tummy ko. Besides isang beses lang ako kumain. Wala kasi ako gana, ginawa ko nag order ako ng Milktea baka sakali magka gana kaso wala paren ??‍♀️. Pagka gabi di na ako maka tulog sa sobrang saket as NO SLEEP. Btw, patuloy parin yung paglabas ng Liquid sa ano ko. ? Asin sobrang saket na nararamdaman ko the whole night hindi ko alam LABOR napala yon. (And Yes hindi ko alam LABOR na pala yon, to be honest hindi ko alam BUNTIS ako. Opo totoo yung nabasa nyo Hindi ko alam BUNTIS ako.) Pag dating ng madaling araw ( November 28,2019) Around 4-5 am pina check up ako ng kuya ko dahil dikona talaga kaya ang sakit besides wala pako tulog non. Pag dating sa hospital, pina urin test nila ako dahil nga sabi nila baka UTI lang, ang sakit kasi Sa left side ng tummy ko hanga sa lower left side ng likod ko. So nung dumating yung result ang taas daw ng infection ko sa ihi (UTI) at may ingection ako sa dugo dahil sa UTI. Dahil di talaga maalis yung sakit may ininject sila sakin Pain reliever 2 beses,nung unang inject walang nangyari sabi ko sa nurse sa pangalawa mas lalong humilab yung sakit. Around 7:45 am umuwi nakami hindi ako pina admit ng kuya ko dahil wala pakami pera that time. Pag uwi namin sa bahay si mama naman umalis para bumili ng gakot dahil akala nga nila UTI lang. Pag alis ng mama ko, sabi ko gusto kuna matulog dahil wala pnga ako tulog. Pero di ako pinatulog ng saket. And Pabalik balik nako ng Cr kala ko kasi natatae ako kaso wala naman lumalabas tas ire ako ng ire, maya maya nag tataka ako bat may lumabas na something sa ano ko. Pinigilan ko muna at kumuha ako ng salamin tinignan ko kasi natatkot ako baka ano na lumabas dahil sa kaka ire ko. Tas nakita ko parang ulo na may buhok kinabahan ako. Pero hindi ko mapigilan ang pag ire ko. Umupo ako sa sahig ng cr namen umire nanaman ako. Tas laking gulat ko may lumabas na BABY. Gulat na gulat ako kasi hindi ko nga alam na buntis ako naiiyak ako tas kala ko kambal umiire nanaman ako lumabas nayung inunan. Pagka kita ko sa anak ko naiiyak ako sabay sigaw 'Ma.... Ma..... Ma....' dahil wala ako kasama sa bahay ginawa ko ako nag putol ng pusod. Then binalot ko sa twalya yung anak ko. Then pag dating ng mama ko ma sabi ko diba di ako nag memens, kaka push ko kanina may lumabas na baby. Buntis pala ako. Then nataranta mama ko lumabas ng bahay nag sisigaw na tulungan nyo kami nanganak yung may uti. Then ni rush nila kami sa hospital first hospital(private) di kami tinangap. Second hospital tinangap nila kami (public)... After 3-4 days nakala labas na ako. But yung baby ko naiwan. 10 days dapat kasi sya sa hospital dahil ininject sya ng anti tetano which is kailangan 10 days. Dahil dun sa pag putol ko ng pusud nya. Eto po yung baby ko nung pagkapanganak ko ??. Nasa comment box po yung recently nya He is 3 months tomorrow ?? PS: 2.2 lang po sya nung lumabas and Diko po alam ilang months sya noong lumabas po sya. Wala pong may alam. Sa tingin nyo po ilang months sya? Mag tanong lang po kayo sa comment box ??‍♀️

72 Replies

congrats momsh. same po super irreg din ako so i understand. Kung di po ako nagpacheck up dko malalaman din. Siguro kung di ako nagpacheck up, malalaman ko 8 months na kasi nun lang lumaki tiyan ko

VIP Member

Nasaan yung 3mos photo nya? Hala,, anyways congrats! Pero paanong nangyari ang ganyan?? Di lumaki ang tummy? Walang baby kicks? Kinakabahan ako while reading. Hehee. Pero congrats pa din. 🥳🥳

Galing naman as in wala talaga?

VIP Member

Naloka ako sa "di mo alam na buntis ka" as in seriously di ba sya gumagalaw sa tyan mo? Im sure nasa 7 months up na yan lumabas. But anyways , congrats atleast buhay si baby and safe ka po.

Meron po tlgang gnyan na cases hndi lumalaki ang tyan. Panuorin nio po s fb tlc fb page, mga stories na i didnt know i was pregnant

Mommy curious lang ako. Hindi ba gaano lumaki tummy mo kaya dimo napansin na buntis ka? Concern ko lang kasi dika nakainom ng mga pre natal vits. Anyway good thing ok si baby. God is good 🙏

Hindi man masydi eh hehe

VIP Member

Oh em gie , ibig sabihin akala mo taba lng ung nsa tyan mo ? Hndi mo napansin na lumaki ang tyan mo ? Naconfuse lng ako kc ilang mots na pero di mo alam n buntis ka at wla ka pang mens?

Super duper Irregular ang mens ko. 🤦🏻‍♀️ So hindi na bago ang ganon saken

Congrats momsh! Pero medyo nagtaka lang ako. Nagkakamens ka po ba? O hindi? If hindi ka nagkakamens hindi ka po ba nagtaka? Paano ka po nagkaroon ng baby? Sorry po medyo naconfuse lang.

Mula nung nag regla ako pg tumaba ako napaka irregular ko as in, ilang months din ako irreg so hindi na bago saken yon

May series neto sa YouTube, I Didn't Know I Was Pregnant ng TLC. Cryptic Pregnancy tawag nila sa gantong pagbubuntis. Well anyway, congrats on your little angel 😇

TapFluencer

Kinilabutan ako mamsh sa story mo😰😰 But I'm so amazed na nakaya mo lahat mamsh lalo na pagputol sa umbilical cord😍😨 Congratulations mamsh🙏🏻😇

VIP Member

Surprised blessings hehe. Kung iregular ka normal lang di ka datnan pero kung nakipagtalik ka ng walang proteksyon kahit irregular ka pwede ka padin mabuntis

Nakakaloka naman sis nakakakilabot. Hindi ba sinabi sayo ng doctor kung ilang months na siya? Kawawa naman si baby ang liit mo siguro mag buntis kaya dimo napansin.

Mataba po ksi ako kaya hindi sya halata.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles