I just want to share my Birth Story ❣️

(Alam kopo marami mag Judge sa akin sa ending nito. But its okay) Last November 26, 2019 Straight duty ako sa work ko, btw nag wowork ako sa isang kiosk sa mall. Then dahil ako mag isa di maka alis sa store i choose magpa delivery ng Chowking. Mga bandang 3pm nag start na sumakit ng tummy ko. I don't know kung baket, isip ko napapa poop lang ako. So, nag cr ako ng 3 beses. Unang beses may lumabas ther of 2 wala na pero still masakit paren. Nag praray ako sana maka uwi na kasi masakit nga tummy ko. Pag dating ko sa bahay nag hilamos nako at humiga. That time may ubo ako, nag tataka ako bat may lumalabas na liquid sa ano ko. So isip ko lang dahil sa ubo ko napapa wiwi ako. Naka ilang beses nako palit ng undies and shorts. The whole night. The next day (November 27, 2019) The whole day lang ako naka higa dahil sobrang sakit ng tummy ko. Besides isang beses lang ako kumain. Wala kasi ako gana, ginawa ko nag order ako ng Milktea baka sakali magka gana kaso wala paren ??‍♀️. Pagka gabi di na ako maka tulog sa sobrang saket as NO SLEEP. Btw, patuloy parin yung paglabas ng Liquid sa ano ko. ? Asin sobrang saket na nararamdaman ko the whole night hindi ko alam LABOR napala yon. (And Yes hindi ko alam LABOR na pala yon, to be honest hindi ko alam BUNTIS ako. Opo totoo yung nabasa nyo Hindi ko alam BUNTIS ako.) Pag dating ng madaling araw ( November 28,2019) Around 4-5 am pina check up ako ng kuya ko dahil dikona talaga kaya ang sakit besides wala pako tulog non. Pag dating sa hospital, pina urin test nila ako dahil nga sabi nila baka UTI lang, ang sakit kasi Sa left side ng tummy ko hanga sa lower left side ng likod ko. So nung dumating yung result ang taas daw ng infection ko sa ihi (UTI) at may ingection ako sa dugo dahil sa UTI. Dahil di talaga maalis yung sakit may ininject sila sakin Pain reliever 2 beses,nung unang inject walang nangyari sabi ko sa nurse sa pangalawa mas lalong humilab yung sakit. Around 7:45 am umuwi nakami hindi ako pina admit ng kuya ko dahil wala pakami pera that time. Pag uwi namin sa bahay si mama naman umalis para bumili ng gakot dahil akala nga nila UTI lang. Pag alis ng mama ko, sabi ko gusto kuna matulog dahil wala pnga ako tulog. Pero di ako pinatulog ng saket. And Pabalik balik nako ng Cr kala ko kasi natatae ako kaso wala naman lumalabas tas ire ako ng ire, maya maya nag tataka ako bat may lumabas na something sa ano ko. Pinigilan ko muna at kumuha ako ng salamin tinignan ko kasi natatkot ako baka ano na lumabas dahil sa kaka ire ko. Tas nakita ko parang ulo na may buhok kinabahan ako. Pero hindi ko mapigilan ang pag ire ko. Umupo ako sa sahig ng cr namen umire nanaman ako. Tas laking gulat ko may lumabas na BABY. Gulat na gulat ako kasi hindi ko nga alam na buntis ako naiiyak ako tas kala ko kambal umiire nanaman ako lumabas nayung inunan. Pagka kita ko sa anak ko naiiyak ako sabay sigaw 'Ma.... Ma..... Ma....' dahil wala ako kasama sa bahay ginawa ko ako nag putol ng pusod. Then binalot ko sa twalya yung anak ko. Then pag dating ng mama ko ma sabi ko diba di ako nag memens, kaka push ko kanina may lumabas na baby. Buntis pala ako. Then nataranta mama ko lumabas ng bahay nag sisigaw na tulungan nyo kami nanganak yung may uti. Then ni rush nila kami sa hospital first hospital(private) di kami tinangap. Second hospital tinangap nila kami (public)... After 3-4 days nakala labas na ako. But yung baby ko naiwan. 10 days dapat kasi sya sa hospital dahil ininject sya ng anti tetano which is kailangan 10 days. Dahil dun sa pag putol ko ng pusud nya. Eto po yung baby ko nung pagkapanganak ko ??. Nasa comment box po yung recently nya He is 3 months tomorrow ?? PS: 2.2 lang po sya nung lumabas and Diko po alam ilang months sya noong lumabas po sya. Wala pong may alam. Sa tingin nyo po ilang months sya? Mag tanong lang po kayo sa comment box ??‍♀️

I just want to share my Birth Story ❣️
72 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Bigla kong naalala ung nangyari sa first baby ko. Iregular ako ever since high-school so sanay na po akong hindi dinadatnan. I was in 4th year college 2 sem na lang graduating na ako. Start of 3rd sem laging sumasakit puson at tagiliran ko sinamahan ako ni Papa magpacheck up (never in my wildest dream na preggy ako) lumabas sa result UTI na suspected namin kasi may history ako before. Pagkaubos ko nung med/antibiotic hindi pa rin nawawala ung sakit kaya nagtaka na ako pero ininda ko na lang. After 4 months hindi pa rin ako dinadatnan so nagworried na po ako. Out of the blue biglang tumawag ex ko asking kung nagkameron na daw ako. Doon na ako kinabahan at biglang natakot. After namin magusap nag pt na agad ako then positive. Bigla kong naalala pag aaral ko anong gagawin ko at paano ko sasabihin sa parents ko. I decided na itago until makapagpresent ako ng thesis ko dahil ayaw kong tumigil sa pag aaral. Tinago ko wala akong pinagsabihan kahit kanino. Nakakatawa pero walang nakahalata na buntis ako all along. Today 14 yrs old na siya and im so happy to have him in my life...

Magbasa pa
5y ago

Grabe naman nun... Kulang na lang po sabihin sa pagmumukha mo na ano ka. Kapal din naman nung lalaki sarap balatan ng buhay eh

congrats mommy!!! buti safe kayo ni baby mo.. Ang galing mo mommy pero naka unique ng kwento mo. Kakaibang experience yan.. Irreg kb? Kase first baby nakunan ako, akala ko delayed lang ako, at dahil irreg nga ako akala ko normal lang ung buong dugo na lumabas skin.. Hinayaan ko lang, di na dn ako nag pt kase kakagaling ko lang s medical non, makita naman sa result ng medical ko.. Pero mali ako, walang nkalagay sa medical ko kung buntis ako o hindi.. So hinayaan ko lang.. Work pa dn ako, training dito training doon. Night shift, biyahe biyahe.. After ilang weeks nilagnat ako, akala ko dahil nag night swimming lang kame. Then after 3days na may lagnat ako, my lumabas na something sakin, dinala ako sa hospital kase natakot ako sa lumabas. pag tingin ng ob, inunan daw yon. Nagulat ako pati lola ko. So ayun, nakunan ako di ko alam na buntis ako. Niraspa ako. Kaya simula non, tinatandaan ko na lahat pati days kung kelan kame ng do ng asawa ko, kung kelan ako nagkaroon. Hayssss! Goodluck sayo mommy at sa baby mo! :) Congrats uleeee!! ❤️❤️❤️

Magbasa pa

Wow! I can't imagine na possible pala yung ganyan. Kasi dba mapi-feel mo yung kicks ng baby mo as early as 6 mos... And also, if you know you skipped your period and you know you had sex po, you would think oh, i might be pregnant? Ako din po kasi i have irregular period. On the positive side po, at least nakaya mo i normal ang baby and nothing bad happened. Also, i admire your courage to cut the umbilical cord. Matapang ka and i salute you pero please next time be careful and be observant. You're lucky nothing bad happened. Babies are blessings😉 they deserve to be taken care of even if nasa sinapupunan pa lang sila👍

Magbasa pa

Napabasa ko kasi akala ko may nagyaring di maganda sa baby kasi ang sabi baka ijudge. We won't judge you kasi ang strong mo and nadeliver mo ng safe si baby. Thank God talaga. Though alam naman naming alam mo yung pagkukulang mo, alam din naman namin na gagawin mo yung best mo para punan yun for your baby 💕

Magbasa pa
VIP Member

Not judging you sis. Nangyari yan sa close friend namin sa cr ng office hindi nya alam na buntis sya. Pero ang daming judger sa office nila at chismosa. Na depress sya nun.. Pero ok na sila ngayon cute cute ng bata hehehe 2yrs old na. Full term pa nung inilabas at wala kahit anong infection

5y ago

Ako hindi naman 9 months hehe.

Hndi ka panipaniwala ang kwento ou iregular ang mens mo pero alam mo sa sarili mo na nkikinpag sex ka dpat alam mo na may posibility na mabuntis ka ..mabuti nlng at walang nang yare sa baby mo .. kwawa d man lng nka pag vitamins habang nasa loob pa ng tyan mo tsk !

Wala kabang jowa or asawa dalaga kaba bakit hindi mo alam na buntis ka ? Hindi ba malumaki tiyan mo? Parang naguluhan ako 😅 pero anyway congratz pa din at safe n baby mo and mommy kana 😊 Ps. Natawa ko dun sa sigaw ng mama mo na nanganak yung may uti 😂

5y ago

Hahaha. Sobra taranta nya kasi nun 🤣

VIP Member

God Bless You and your Baby! Be strong to the both of you ❤️❤️❤️ Ako naman, 6 months ko na nalaman na pregnant ako. Marami akong nainom na gamot non dahil sa ulcer ko, praying na okay ang lahat. Again! GOD BLESS YOUR FAMILY AND CONGRATS!!!

Congrats mommy. Alam ko mommy pag nag pa test ng UTI ma check din na buntis ka. Sa akin kasi nalaman ko sa mga urine test ko like urinalysis at drug test don ko po nalaman na preggy ako medical ko yun sa work ko po.

VIP Member

At least okay si baby..kung wla kantinake na vitamins noon need mo ipacheck kung ano yung deficiency ni baby pra mapunan.. Kung ibreastfeed mo si baby dpat lage ka magulay na may sabaw and fruits pra lumusog si baby..

5y ago

He is fine now. Thank you po 💕