Change of formula milk

From Similac to S-26 GOLD to ??? 1st naging gatas ni baby ko Similac pero na allergy sya kaya change to S26 Gold nung una nahiyang si baby ko sa s26 kaso after ng 1 1/2 month nya di na naging normal pag poop ng baby ko, umaabot ng 4 days bago sya maka poop kaya ilang beses kami nag pabalik sa pedia and niresetahan lang kami suppository and after non akala ko one time ko lang gagawin na lagyan sya ng suppository hanggang sa 3 beses na 4 days di nag po poop si baby and without the help of suppository di sya makaka poop and medyo malabnaw pag nag poop sya so ang suspect ko is di na sya hiyang sa gatas nya. Ngayon mga mi ano kaya ma rerecomend nyong gatas na pwede ko I palit kay baby? Btw 10 weeks old na sya. #FTM

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nong 3weeks old ni lo ko d rin sya nakapoops sa s26 gold pincheck up ko at nirectal stimulation sya. advice ng pedia nun similac tummicare, pero d agad ako ngpalit kc baka magback to zero ulit adjustment nf tummy ni baby, winork out ko muna sknya ang gold. tas everyday massage ko tummy nya. aun hnyaan ko lng hnggng sa ngng after 2-3 days pgpoops nya, d nmn mtubig poops nya normal nmn texture sadya lng d arw arw poops nya, dmi ko rin nbbsa gold user d rn arw arw poops. sbi nmn pedia normal lng daw bsta wg aabutin ng 7days n hndi nagpupu ang baby.

Magbasa pa
2y ago

Every feeding after 30 mins hihilutin ko tyan nya yung I love you massage, circle, tas yung bicycle and yung iipit yung hita nya sa tyan na na parang naka upo, nung una effective pero napansin ko ang tigas ng poops ni LO pero dahil naka poops na sya na kampante na ako kaso na alarm ako ng umabot ng 4 days walang poops si LO kahit na tuloy ko sya sa massage puro ihi and yun nga recommended samin ang suppository kaso ayoko naman mag depend lagi si baby sa suppository. Tinry ko pa ulit Ipaubos yung last pack ng s26 and nagbabakasakali na matae sya without suppository kaso ayaw talaga puro ihi lang.

Enfamil kmi ngstart kaso malakas sya kabagin dun at medyo basa poop nya so nagchange kami enfamil gentlease medyo naging ok na hndi na gaano kabagin si baby kaso basa parin ang poop nya ngaun NAN na gamit nmin advise ni Pedia maganda na ang poop nya hndi na basa observe ko pa until maubos nmin ung 1.4kg pero so far so good na kmi sa NAN

Magbasa pa

Sabi po ng pedia ni baby ko, normal lang daw po na constipated hanggang 5days kapag pure formula milk. If pure breastfeeding naman po 1 to 4x a day daw po pwede magpoop c baby..Mixed feeding po baby ko and s26 gold + breastmilk and pagkakadede nya po ng s26 poop po kagad sya.

ganyan din baby ko, from similac to s26, di ok pag poop nya, savi ng pedia nya wag raw sanayin na nilalagyan ng suppository kc baka dun na sila dumepende every magpoop. recommended po ni doc ay nan sensitive or enfamil, ok nmn nahiyang nmn ng baby ko nan sensitive

Di ko sure mi kung hihiyang si baby mo pero sa baby ko po kasi dami ko din natry na milk puro constipated sya. Sa enfamil gentlease lang po sya humiyang. Everyday po ang poop nya.

2y ago

Enfamil A+ po mame. Naging ok ang pagpoops ni LO ko now. NagS26 Gold dn po si LO ko kaso matagal din magpoops kaya,un nakaenfamil A+ na ngaun si LO ko.

ang amin mi nagchange kami sa enfamil gentlease tapos hindi namin sinunod yung 1:1 na ratio kasi nacoconstipate dn yung baby namin pag sakto yung scoop

VIP Member

Nan. recommended ng pedia ni lo. dyan sya nahiyang till now na 2 yrs old na sya yan padin gatas nya😊

Thank you po sainyong lahat mga mi🥰

Similac tummicare