AKO PO UNG NAG POST ABOUT SA
NASABUGAN NG KALAN, NGAYON PO NAKARAOS NAKO ❤️
UNO LUCAS VILLAMOR CASPE ❤️❤️
EDD LMP DEC 20
EDD ULTZ DEC 27
EDD BPS DEC 29
D O B DECEMBER 23, 2019
Dec 21 labor na ko pero 1cm palang may brown discharge at medyo may kirot pinag gala gala pa ko ng Ob ko so, punta kami ng mall.
DEC 22 1 cm parin pero malambot na cervix ko., pero dahil gala is life punta ulit kami ng mall, namili ng mga pang regalo may sasakyan naman kaya incase na manganak ako takbo agad 20 mins lang naman layo namin sa paanakan,
humihilab na sya every 10 mins.
kinagabihan po every 5 mins na sya sumasakit pero kaya pa naman ung sakit punta na kami sa lying in kase 5mins na sya nasakit
2cm palang pinauwi ako balik daw ako ng 3am
kaso 1am palang sobra na hilab nya hinintay naming mag 2am kaso wala pang 2 am nasuka nako sa sobrang sakit sobrang dami kong sinuka tapos amoy na amoy ung mga vitamins ko,
takbo na kami sa lying in ulit
pag dating dun 3cm palang ako pero nakiusap na ung asawa ko na baka pwede akong iadmit kase nga suka ako ng suka,
inadmit ako. 5am Ina IE ulit ako 5 cm nako
gusto ko ng sumigaw ng i CS nyo nalang po ako kase sobrang sakit na.
may nag sabi sakin na every hilab iire ko daw so ginagawa ko. sobrang antok nako to the point na habang nag lalabor ako ng nakatayo dalawang beses akong nanaginip ??
dahil sa pagod nahiga ako habang namimilipit iniire ko pag nawawala ung hilab nakakaidlip ako kaso mas maganda pala na mas madalas ang hilab nya para mas tumaas cm ko kaya pinatayo ako ng byanan ko tas kada lakad ko sige hagod nya sa likod ko kase sobrang sakit,
naka diaper ako para incase na pumutok panubigan ko nung madalas na ung sakit tas para talaga akong natatae may bumuhos na tubig sakin di ko alam kung ihi o panubigan, i Na IE ulit ako nasa 8 cm nako going to 9 cm.
pinatayo ulit ako kakatayo ko lang mga 4 na hilab sabi ko di ko na kaya parang lalabas na tae ko.
chineck ulit ako,
9cm na ko. tas tumigas daw cervix ko kase iniire ko. di na nila ako pintayo. inantay na nila mag 10 cm ako
grabe bessy sobrang hirap. puro bitin ung pag ire ko dahil sa antok at pagod pero nung naramdaman ko na ung mainit, makati at mahapdi sa pwerta ko sabi ko sa sarili ko eto na ung ulo makikita ko na si baby umire ako ng sobra sobra lumabas na ung ulo pero dahil pagod ako hirap makabawi. kaya pinush na nung midwife at un naramdaman ko na lumabas na ung katawan nya sobrang worth it lahat ng pagod hirap at sakit.
sa dami ng pinagdaanan namin ni baby
nasabugan kami ng kalan, na tigdas ako.
pero ThankGod, God is Good kase walang masamang nangyare sakanya ❤️
salamat sa group na to dami ko po natutunan ❤️
Rona Ramos