Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Got a bun in the oven
DIAPER PANTS
okay lang po ba ang pants na diaper for 2 months old baby?
NASABUGAN NG KALAN, NGAYON PO NAKARAOS NAKO ❤️
AKO PO UNG NAG POST ABOUT SA NASABUGAN NG KALAN, NGAYON PO NAKARAOS NAKO ❤️ UNO LUCAS VILLAMOR CASPE ❤️❤️ EDD LMP DEC 20 EDD ULTZ DEC 27 EDD BPS DEC 29 D O B DECEMBER 23, 2019 Dec 21 labor na ko pero 1cm palang may brown discharge at medyo may kirot pinag gala gala pa ko ng Ob ko so, punta kami ng mall. DEC 22 1 cm parin pero malambot na cervix ko., pero dahil gala is life punta ulit kami ng mall, namili ng mga pang regalo may sasakyan naman kaya incase na manganak ako takbo agad 20 mins lang naman layo namin sa paanakan, humihilab na sya every 10 mins. kinagabihan po every 5 mins na sya sumasakit pero kaya pa naman ung sakit punta na kami sa lying in kase 5mins na sya nasakit 2cm palang pinauwi ako balik daw ako ng 3am kaso 1am palang sobra na hilab nya hinintay naming mag 2am kaso wala pang 2 am nasuka nako sa sobrang sakit sobrang dami kong sinuka tapos amoy na amoy ung mga vitamins ko, takbo na kami sa lying in ulit pag dating dun 3cm palang ako pero nakiusap na ung asawa ko na baka pwede akong iadmit kase nga suka ako ng suka, inadmit ako. 5am Ina IE ulit ako 5 cm nako gusto ko ng sumigaw ng i CS nyo nalang po ako kase sobrang sakit na. may nag sabi sakin na every hilab iire ko daw so ginagawa ko. sobrang antok nako to the point na habang nag lalabor ako ng nakatayo dalawang beses akong nanaginip ?? dahil sa pagod nahiga ako habang namimilipit iniire ko pag nawawala ung hilab nakakaidlip ako kaso mas maganda pala na mas madalas ang hilab nya para mas tumaas cm ko kaya pinatayo ako ng byanan ko tas kada lakad ko sige hagod nya sa likod ko kase sobrang sakit, naka diaper ako para incase na pumutok panubigan ko nung madalas na ung sakit tas para talaga akong natatae may bumuhos na tubig sakin di ko alam kung ihi o panubigan, i Na IE ulit ako nasa 8 cm nako going to 9 cm. pinatayo ulit ako kakatayo ko lang mga 4 na hilab sabi ko di ko na kaya parang lalabas na tae ko. chineck ulit ako, 9cm na ko. tas tumigas daw cervix ko kase iniire ko. di na nila ako pintayo. inantay na nila mag 10 cm ako grabe bessy sobrang hirap. puro bitin ung pag ire ko dahil sa antok at pagod pero nung naramdaman ko na ung mainit, makati at mahapdi sa pwerta ko sabi ko sa sarili ko eto na ung ulo makikita ko na si baby umire ako ng sobra sobra lumabas na ung ulo pero dahil pagod ako hirap makabawi. kaya pinush na nung midwife at un naramdaman ko na lumabas na ung katawan nya sobrang worth it lahat ng pagod hirap at sakit. sa dami ng pinagdaanan namin ni baby nasabugan kami ng kalan, na tigdas ako. pero ThankGod, God is Good kase walang masamang nangyare sakanya ❤️ salamat sa group na to dami ko po natutunan ❤️
brest cyst
meron po akong breast cyst bago po ako mabuntis. ang iniisip ko po pwede po ba akongmag pa breastfeed kahit may cyst ako?
Breastfeed
3 days ago napo simula nung nanganak po ako, pinapadede ko po sya sakin pero napansin ko po na parang wala namang lumalabas sa dede ko kaya po tinry kong magpump. wala po talagang lumalabas. pero po ngayon meron po kaso po may kasama syang dugo kase po nasugat na po nipple ko ayos lang po ba na ipagamit kay baby ang nipple ko kahit may sugat at dugo?
LABOR
brown discharge na po, parang magkakaroon lang po ng mens ung pakiramdam ko. stock padin po ng 1 cm. nag primrose na din po. ano pa po pwedeng gawin para po tumaas ung cm?
APOLLO SEBO DE MACHO
hi po ako po ung naputukan ng kalan ??, ngayon po wala napo akong sugat pero po naiwan po ung burn marks. pwede po ba akong gumamit ng sebo de macho. kabwanan ko na din po 39 weeks and 1 day na po. salamat
NASABUGAN NG KALAN PART 2
Hi po ❤️ako po ung nasabugan ng kalan. thankyou po sa mga prayers kase po galing napo ako . ngayon po hinihintay nalang po namin na lumabas si baby ❤️❤️ I am currently 38 weeks and 4 days napo.
BL CREAM
pwede po ba sa preggy to? ipapahid ko po sana sa burn marks ko 38 weeks and 1 day pregnant TIA.
pag sakit ng puson
37 weeks and 6 days pregnant hi po natural lang po ba ang pakiramdam na masakit ang puson na parang magkakaron, tapos po parang kinakabag na parang natatae? may lumabas po sakin na milky discharge pero po mga dalawang patak lang saka wala pong dugo. salamat po.
NASABUGAN NG KALAN , 34 WEEKS PREGNANT.
hi po mga mamsh , SHARE KO LANG PO STORY KO, november 12 , 2019 5pm, kakatapos lang po gawin ung build in na kalan sa bahay namin so, excited po akong magluto kase kakagawa lang po ng bahay namin, nagluto po ako ng pork steak, habang nagluluto po ako nakapansin po ako sa kalan na parang may kakaiba po kase may part na umaapoy sa labas ng mismong labasan ng apoy , nung tapos na po ako mag luto papatayin ko na po sana ung kalan pero sinauli ko muna ung mga toyo sa lalagyanan nakatalikod napo ako sa kalan nakita ko sa gilid ng mata ko na umaapoy napo ung gilid ng misamong kalan as in ung pinaka gilid nya ung mismong dulo ng nakadikit sa lababo, patakbo nako kaso 2 steps plang pumutok na po ung mismong kalan. aircon type po bahay namin, so kulob na kulob po sya, basag ung salamin ng bintana namin na build in den, halos lumabas po sa kalsada namin ung aluminum door po namin natanggal mga pintura ng kisame namin na medyo nag crack, nasira ung exhaust fan namin sa cr. nasira ung door knob o lock ng pinto sa kwarto na nasa parteng sala namin, pero walang nabasag sa lababo namin, ung mga nakasabit na wine glass buo pa mga plato, oven ref na katabi mismo ng kalan buo pa , ung kalan buo pa pero ung cabinet sa baba ng lababo sira tumalsik din. ung husband ko po that time nasa sala ang bilis ng pangyayari mams imagine 2 steps lang layo ko sa kalan nung sumabog pero binti ko lang na apektuhan, nasunog ilang part ng buhok ko , nasunog kilay at pilik mata ko as in wala nakong kilay at pilik mata, tumakbo agad sakin ung asawa ko saka kami lumabas ng bahay , thank God po talaga kase di po naapektuhan si baby , pero nung dinala ako sa hospital sobrang nginig ko kase nilagyan ung katawan ko ng yelo, tapos naka aircon pako at nakatapat pa sakin ung electric fan kase sa pamamagitan nun nababawasan ung sakit, lapnos buong hita ko may 1st degree at 2nd degree burn. Grabi na nginig ko kase naghalohalo, takot, lamig dahil sa yelo electricfan at aircon, hapdi ng yelo, hapdi dahil sa paso , at init ng katawan dahil sa paso. as in ung higaan ko na nginginig dahil sa nginig ko. ung asawa ko palabas masok lang kase uung aso namin di ako iniwan sinamahan ako sa ospital kahit ibaba sya sa sasakyan tas biglang takbo ang bilis nya sumampa e emergency na kaya no choice . dala namin sya sa ospital , bawal aso sa loob ang ingay nya sa labas kaya pinuntahan sya ng asawa ko, ang kasama ko sa loob ng ospital is ung kapitbahay lang namin kase 2 lang kami ng asawa ko sa bahay, sumunod na ung mga ate ng asawa ko at tita ko . kaya natulungan nila ako . ung asawa ko taga takbo ng gamot o kung ano ang kailangan na short pa kami kase wala kaming dalang cash at nagmamadali na kung ano lang laman ng walet, buti nalang ung tita ko nagdala ng pera. chineck ung heart beat ni baby namin dalawang beses di makita , naiiyak na ko nun , pati din kase ako di ako makarelax . pag balik ng nurse pinalitan nya ung aparato nya pang heart beat ni baby . pinilit kong mag relax, ( pag nilalabanan ko ung nginig lalo akong nanginginig saka naninigas katawan ko, kaya ang ginawa ko nirelax ko sarili ko di ko nilabanan yung nginig nag inhale exhale ako un ang sabi ng asawa ko ) sa pangatlong beses . nahanap na ni nurse ung heart beat nya natuwa ako, inaayos na nung doctor ung mga sugat at paso ko pinunasan nya na ng ointment , naturukan nadin ako ng paracetamol pero di ko naramdaman, mas masakit ung paso ko, malamig ung ointment lalo na pag natapat sa hangin tapos pinatungan pa nila ng gauze pad na binasa sa pinalamig na suwero, kaya sobrang sarap sa pakiramdam pero matagal lang ang kilos ng doctor kase nag iingat sya , to the point na kausapin ko na sya na doc baka po pwedeng mag tawag po tayo ng nurse na tutulong sainyo, nagtawag na sya pati asawa ko tumulong na , nagdatingan na din mga ate nya at tita ko, patapos nako lagyan ng ointment at lagyan ng gasa , pagkatapos nun medyo natutuyo na ung gasa kase nakatapat sa paa ko ung hangin, kaya ang ginawa nila tita at ate binasa nila ng pinalamig na swero ung nakadikit saking gasa, sobrang sakit nya talaga na hirap din ako na tumayo as in nanginginig ung hita ko , 9pm nasa emergency na kami 1am naka uwi kami . nung tinanong ako ng asawa ko kung kaya ko ba na umuwi kami na di nakami magtagal sa ospital kase dis charge na daw kami sabi ng dictor, umoo ako kase iniisip ko baka kung ano pang sakit ang masagap namin ni baby since open wounds ako . umuwi na kami, pinagtitinginan ako ng mga tao kase wala nakong kilay tas tumaas pa ung hair line ko lalo kase medyo nasunog din ung noo ko , pero wala akong pakialam ang alam ko lang ligtas kami ni baby . malikot si baby kinakausap ko din sya , sabi ko sa kanya sige lang baby gumalaw ka lang iparamdam mo kay mommy na okay ka. naging kalmado ako. pag ka uwi namin malinis na ung bahay nalinis nung mga ate ng asawa ko . derecho agad ako ng higaan pero hingal padin ako tas medyo nanginginig kase sa lamig ng aircon sa bahay tapos pinatapat ko pa sa paa ko ung electricfan pero ang sarap sa pakiramdam naka gasa pako nun at medyo basa pa sya kse binubuhusan namin sya ng swero. pag ka alis ng mga ate nya pinilit ko na tumayo sa higaan kase nakakaramdam ako ng panghihina ,, naglakad lakad ako sa loob ng bahay nanginginig ako lalo sa electricfan kaya pinatay ng asawa ko lakad lang ako ng lakad, dumating na din ung mga byanan ko, galing sila sa candelaria, kami nasa san jose del monte bulacan , nabawasan na ung hapdi nya at ung nginig ko , mga 3am umalis pa sila tatay kase kumuha pa sila ng dahon ng saging kase di un mahapdi at di un dumidikit sa sugat, at malamig din sya . di na kami mahihirapan na mag lagay lagay ng swero dun sa gasa para laging basa at malamig, mga 4am nakatulog nako nabawasan na ung sakit, pero 3 hours lang tulog ko kase iinom ako ng gamot tas di nako nakatulog ulit. medyo masakit talaga sya . sabi nila miracle daw talaga na eto lang nangyare sakin kase 2 steps lang layo ko sa kalan at kung nakatakbo man ako papunta sa sala malamang nun talsik ako at mas malala mangyayare sakin , buti din di ko tinawag agad asawa ko kase sya naman ang tatalsik dahil papunta sa sala ung pressure, at miracle kase un lq lang din nangyare sa bahay namin, sobrang blessed namin , niyakap ata kami ni Lord para di masabugan upper body ko , ngayon po THANKYOU kay Lord kase po nakarecover napo ako. nag babalat na din po ung mga paso. pasama nalang po sa prayers nyo na sana po maging safe kami ni baby pag labas Thankyou ❤❤