ogtt?? update

Ako lang po ba yung nasarapan and di masyado natamisan sa juice na pinapainom? Grabe ang sarap po nung drink hahahaha di ako natamisan. May diabetes po ata ako 7 mos na ako and puro ako chocolate and candies buong pregnancy...bukas ko pa makuha results eh kinakabahan ako UPDATE Ayun narefer sa dietary hahahahah taas po ng blood sugar ko

ogtt?? update
77 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naalala ko dati 2019 nagpa ogtt ako sa isang lying in.. Dahil first time dko alm kung anu ba procedure dun tapos nagtanong tanong ako sabi ni my ipapainum daw na juice na sobrang tamis.. So ayun nag expect na ko, Kaso pag dating ko sa lying in nagulat ako binigyan ako ng baso ng tubig na maligamgam inumin ko daw wagko daw isuka kase matamis daw un tamis nung iniinum ko na nagulat ako kase puro asukal na hndi pa tunaw.. Nkakadismaya hinahanap ko ung juice gaya ng mga kwento sakin tapos un na pla un ung ininum ko hahaha. di worth it ung 800 na binayad ko sa ogtt πŸ˜…πŸ˜…

Magbasa pa
VIP Member

Experience q din yan momshie... Muntik n aqng mahimatay sa sobrang gutom q... 8:30 ng gav nd na aq kumain tas mga 7:30 ng umaga aq kinuhanan ng dugo at ihi ang buong akala q tis isang beses lang kukuhanan ng dugo at ihi yun pla every 1 hour...( Nakakasuka ang pag inom ng juice) Naka apat na kuha ng dugo sakin at ihi... Bago natapos ang lab nanlalamig na aq kung nd q lang tiniis cguro nahimatay aq' alas 10 ng umaga na aq nakakain kahit tubig bawal' Nakakadala ang experience ko hehehe 😊😊😊

Magbasa pa

Diko nagustuhan lasa nyan hehehehe.. every 2hours fasting bukod pa sa 9hours fasting.. sobrang taas ng sugar ko nung pinatingin ko resulta ng test ng lab skin.. kaya monitor lagi sugar ko hndi na ko kumakain ng mattamis kya kpag nag ccheck ako ng sugar ok nman hndi tumataas ttas mas 10mg/dl lang..

Same!😁 Nasarapan din ako hahaha pero pag labas ng result ko, ayun na nga hahaha may gestational diabetes akoπŸ˜… 34wks ako nun. Pinag diet akoπŸ˜… Naging ok naman result bago lumabas si baby, pero siyempre need imonitor sugar ni baby every 4 hrs buti na lang at ok din.☺️ Salamat kay G! β˜οΈπŸ™

5y ago

Ahahhahahah feel ko namam GD akk noon pa kasi sweets lang talaga kinakain ko minsan

Ako namn sis masuka suka ng inubos ko yan naka 100g ako mataas sugar ko 17 weeks ako ngayon kaya sabi sa akin ng OB ko my gestational diabetes ako. Kaya nirefer nya ako sa diabetologist.. naka monitor ang sugar ko ngayon mahirap manganak pag malaki ang baby... goodluck sa result mamsh

Kahapon ako uminom nyan test blood sugar ko ..pinipigilan ko wag masuka kasi papainumin nanaman ako super tamis, ayun 1hr bago ako kuhanan ng dugo sinuka ko muna medyo madami din parang isang bote sinuka ko 😭 sinabi ko naman nasuka ako ng onti kasi ayoko na uminom πŸ˜‚..

Ako momsh uhaw na uhaw that time kaya naubos ko agad yan. Pero after ng tests, isinuka ko din. Hehehe sobrang natamisan ako and hindi ko gusto yung lasa. Unlike sa 1st baby ko, yung pinainom sa akin non ibang brand, lasang royal na softdrinks. 😁

Matamis siya. Pero keribels naman, di naman siya nakakasuka for me kasi orange flavor pero matamis. Thank God normal result ng ogtt ko. Pwede pa daw ako magsweets kasi mejo mababa ng konti sa normal range yung sakin. :)

Buti sainyo momsh juice, saakin nun water lang tas nilagyan ng sugar swerte mo pag namuo yung asukal kase ngangagatain mo yun pag wala naubos na tubig. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ nakakasuka grabe. nakadalawang ulit ako niyan

TapFluencer

Puro sweets lang din natotolerate ko kainin nung pregnant po ako. Imbes na bumigat kasi is pabagsak po ang timbang ko nun. Kaya ok lang daw yun sabi sakin ng ob. Pero iba iba po tayo ng katawan.