Ako lang ba yung nakakafeel ng sobrang stress kasi nahihirapan ako mag alaga ng baby ko? First time mom ako. Ngayon, nararamdaman ko na yung sobrang pagod at puyat. Idagdag pa na LDR kami ng LIP ko. Don't get me wrong, love na love ko si baby. Pero minsan I think I just need a break. Minsan pag umiiyak sya, naiiyak din ako. Alam mo yung pakiramdam na hindi mo na magawa yung dati mong ginagawa? Halos hindi ka makalabas. Hindi ka makaalis ng kwarto kasi kelangan mo sya alagaan. Nakatira kasi ako sa family ng LIP ko at malayo ako sa family ko. Kaya dagdag lungkot din. ?