Ako lang ba yung naiirita kasi napapagod na ko pero parang wala akong karapatan magsabi na pagod ako.
Naglaba ako. Binantayan naman ni mister si baby habang naglalaba ko. Natulog naman ng mahimbing yung bata. Ngayon kakatapos ko lang kumain nung magising yung bata. Kakatapos ko lang din maglaba nun. Bale pahinga ko lang yung pag-upo habang kumakain.
Nagpakalong na naman si baby sakin. Ayaw pa naman magpababa sa crib o kahit sa stroller. Tapos kinakagat pa ko sa balikat, braso, legs, tiyan. Bugbog sarado na ko sa baby ko.
Ang sa akin lang naman. Mas gusto sa mister ko nung bata. Kapag naman nagpapakalong, di niya pinapansin. Parang ako lang ang obligado na mag-alaga sa anak namin. So, kakalungin ko. Tapos siya magcecellphone lang. Saka magpapacute sa anak namin. Hindi naman niya aalagaan pag nag-iiyak at humahabol sa kanya. Balik siya sa kakacellphone. Di ako makapagreklamo kasi nakikisuno lang kami sa mama niya. Kasama namin sa bahay. Kaya kahit anong reklamo ko, di ko masabi.
Ang sarap sigawan na pwede ba kundi ka mag-aalaga ng bata, wag ka magpapansin? Kakaloka.