ANONG DAPAT KONG GAWIN? πŸ˜”

Hi mga ka mamshy! Ako lang ba yung may ganitong pakiramdam. Hindi ko na matandaan kung kailan nagsimula toh pero bigla ko nalang naramdaman. Ganito kasi.. Before nakabukod kami tapos kami lang ng anak ko palagi naiiwan. Okay lang sakin naeenjoy ko naman yung mga sandaling yun kasama anak ko.. Naaalagaan ko siya. Pero ngayon nandito kami sa side ko.. Parang tinamad or tinatamad ako. Parang ayaw ko na alagaan anak ko. πŸ˜” May kinausap akong friend tungkol dito kaso ang sabi niya sakin, "Dapat dika nagpabuntis kung ayaw mo palang mag alaga at dikapa pala handa tsaka natural na mapagod ka dahil makulit at pasaway anak mo." Pero hindi naman kasi sa ganon.. Naging ganito lang feeling ko kasi yung partner ko pag nagbabantay ng bata, ang bilis niya uminit ulo sa bata lalo pag nagtatapon or naghahagis ng laruan o kung ano.. Minsan naman babantayan nga niya pero matutulog siya tapos papanoorin niya ng cellphone yung bata. Diko na alam ggawin ko. πŸ˜”

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Nawawalan po ba kayo ng gana kasi parang hindi naaalagaan ni partner nang maayos si baby? Usap po kayo nang maigi, paano aalagaan si baby. Set po kayo ng routine ni baby mula pagkagising hanggang pagtulog para consistent yung schedule nya, makatulong sa development nya, and kahit sino ang mag-alaga sa kanya, same lang ng gagawin. Read about caregiver/compassion fatigue, mommy. Kung hindi ka nakakapagpahinga dahil sa tingin mo hindi naaalagaan si baby nang maayos, it can negatively affect you physically and emotionally, kaya minsan parang wala ka nang gana.

Magbasa pa
4y ago

Ako lang po nag aalaga kahit nandito kami sa side ko dahil sa sobrang kulit nga daw po. Sabi ng papa ko, titingnan palang daw niya napapagod na siya kahit bayaran siya ng malaki ayaw daw niya mag alaga. kaya ang sakit sa pakiramdam. πŸ˜”