97 Replies
Napakarami kong insecurities ๐๐ especially physical, d naman kasi ako totally maganda sabi nila mahitsura ako pero minsan ko lang kita as in rare ๐๐ lalo na ngaung buntis ako. Kahit d pa ako buntis may insecurities na talaga ako but i learned to overcome my insecurities sa husband ko rin ๐๐ siguro swerte ako kasi kahit na total disaster hitsura ko ngaun lagi pa rin sinasabi ng husband ko na maganda pa rin ako. Ung mga exes nya nakikita ko friend nya pa rin sa fb pero d ako nagseselos pero minsan oo hahaha kasi naman kung titignan mo sila fresh nila tignan ako mukhang manang na ๐๐ pero sabi ng husband ko mas gusto daw nyang makasama ang manang na katulad ko na sure mag aasikaso sa knya at sa anak nya kesa sa maganda nga tignan pero pabaya naman raw sa asawa't anak. Madalas niloloko ko pa sya na may kabit sya tatawanan lang ako, minsan minemention ko exes nya sasabihan lang ako ng edi wow. Siguro dahil dun paunti unti nawala ang insecurities ko sa ibang babae. Pag nag try ako magkilay tatawanan pa nya ako kasi daw parang linta ๐๐ pero pag nagalit na ako sasabihin nya nd naman kasi kailangan mag make up. So ayun currently masaya naman ako sa relationship naming dalawa walang hard feelings at d naman na ako ganun ka insecure sa ibang magagandang babae.
I think normal lang yan during pregnancy dahil sa hormonal imbalance. Tapos ongoing din ng transition ang katawan natin for pregnancy, tumataba, lumalapad, nagkakastretchmarks, even to the point na pumapangit. It's normal to feel insecure kaya dapat ang partners natin supportive sa atin. Dapat di nawawala yung pambobola at pag-a'assure sa atin na we are still pretty no matter how lapad the ilong is hahahaha basta ganon. Kasi partner ko sinasabi ako pinakacute na peppa pig na nakita nya. Tapos sinasabihan parin nya ako na lalo ako gumanda nung tumaba ako ganern. Kasi nung una sobrang insecure din ako sa sarili ko lalo na nung nag-gain ako ng timbang. Iniyakan ko pa yung fitted kong damit na di na magkasya sa ulo ๐๐ Buti nalang meron si mister ko ๐ญ๐๐
Hahaha nako same po tayo sis, lage ko sinasabi sa bf ko siguro pag nalampasan na namin kung kelan sila katagal baka mawala na selos ko pero sana mawala na talaga kase minsan nagiging cause din yun ng pag aaway namen kesyo bat ko daw pinagseselosan pa yun e ako naman daw kasama niya hahaha ewan ko trip na trip ko pagselosan ex niya tas sabi ko pag kamuka ng baby ko ex niya bibigay ko na lang sa kanila sila na magsama pero syempre biro lang yun tas yun magtatawanan na kame hahaha minsan nakakaparanoid pero dapat naiisip din naten mga sis na di naman siguro tayo bubuntisin at pananagutan ng mga partner naten kung di nila tayo mahal at mas mahal nila ex nila kaya sana lang mawala na din tong insecurities ko sa ex niya kase alam ko namang mas better ako hahaha
For me mamsh. May kinaiinisan din ako dito malapit samin. Oa nya kasi masyado tsaka sabi nila normal lang daw po yun dahil sa hormones natin. Kahit nga po walang kasalanan partner ko eh minsan inaaway ko. Ayoko ding kinakausap nya yung babaeng kinaiinisan ko kasi siya din mismu naiinis kasi nga oa masyado.. Pero minsan di naman natin maiiwasan na mag.usap sila kasi nga yung girl yung super friendly, friendly na wala na sa lugar minsan... Sinasabi ko din sa lip ko na may mga insecurities ako now kasi nasa 1st trimester pa lang ako kaya iniintindi nya ko kahit minsan nafifeel kung nastress na din siya ๐ pero eventually mawawala naman po yan mamsh. Aku nga naka.adjust na ngayun pero minsan talaga hindi natin maco-control kasi sa pagbubuntis natin yun :)
Ako nung nabuntis ako, naging insecure din ako nag-iba kasi yung katawan ko, umitin ung kuyukot at kili-kili ko nawala self-confidence ko noon (first trimester) naiinggit ako sa mga friends ko na nakakapagtravel (Traveller din kasi ako before at nakakasuot ng two-piece) kaya ganun na lang ako nanibago sa katawan ko. Pero at the end of the day happy ako kasi pinalangin namin to ng hubby ko at masaya ako kasi eto ang greatest Blessing namin. At naisip ko na babawi na lng ako sa travel with my baby and my Hubby soon. Ngayon nasa third tri na ako wala na akong insecurities kasi i know na nung dalaga pa ako i enjoyed travelling while single at nasuot ko yung mg gusto kong outfit noon. Sa mga naiinsercure naa mommy, Look at the brightest side. โบ
May mga times na naiinsecure ako in a way kaso siguro di ko na magawa yung mga normal kong routines nung di pa ko preggy. Naexperience ko din yung part na mainsecure dun sa ex ng partner ko (natrigger nung nagmessage siya sa partner ko nangangamusta after siyang iunblock kahit may bf na din siya - abangers pa din si ate, pitiful creature ๐) kahit palagi naman ako inaassure ng partner ko ng sobrang layo ko daw dun sa ex niya and walang wala naman daw yon compared sakin. I know right! Ewan ko, siguro competitive side din kasi umiiral, lumabas pagkanarcissist ko hahaha. Mejo immature i know but maybe huge contributing factor talaga yung preggy hormones. It makes you overthink nonsensical and shallow stuff. ๐๐๐
Hahaha nangyari din po yan sakin hahaha
Ganyan din ako dati..nuong hindi ko pa alam na buntis na pala ako..mas nabibigyan nya ng pansin mga barkada nya, nagiging friendly masyado sa ibang girls, kahit yun friend nyang girl na pinagselosan ko nuon pa man lagi nyang nakakasama, hangouts, inuman, kahit kanino, magbibigay ng motibo sa iba. Hindi ko sure kung kaka insecure ko e vinevent out nya yun pagkainis nya sakin sa pagrerebelde nya.. kaya naging madalas yun hindi namin pagkakaintindihan na nauwi sa nagbreak kami. Pero nagkaayos din agad nung nalaman namin na buntis na pala ako .. So mommy normal lang yan basta huwag lang sosobra na ikakasira na ng relationship nyo..Basta understand at trust lang kayo sa isa't isa.๐
Sakin naman hindi kasi iniisip ko kasama yon sa pagiging mommy yong mga changes sa katawan pangit or maganda. Worth it yon for my baby. And my hubby naman aince na buntis ako 3rd trimester naging sweet sya sakin na dati hindi naman talaga sya sweet na tao tapos i love you araw araw yan. Kiss and he buys me the food and things and vits i need pati check up ko. Wala akng work pero so far wala naman akng narinig na reklamo from him at hindi nya ako inaaway or pinapatulan. Oag alam nya na nag tatampo ako sa kanga agad agad nya akng nilalambing. Sya din nag babayad ng bills ko sa postpaid ko.
Meeee!! Ini-stalk ko pa profile ng mga ex nya at tamang back read ng mga messages nila. Bigla bigla na lang kasi nagfa-flashback ung mga time na nakipag fling sya kay ex nya na naging frenny ko habang kami pa (nauna maging kami, bago sila. Long story) tas nung pinag palit niya ko ng di ko alam. Tinitingnan ko talaga face value nila at kung ano ba naging kulang sakin noong time na yun (College days). Nai-insecure na nasasaktan pa rin ako kapag naaalala ko knowing na its 7 years ago.
smae here sis..mas grabe ako tagal na ng ksama nmin sa bahay two years na pero ngayong nabuntis lang ako nakaramdam ng selos sa knya as in ndi ako makatulog kc kunting galaw lang ni hubby pakiramdam ko talaga ang lakas kahit ung tingin nya sa kasama namin feeling ko may malisya na paranoid na ako mag isip nakaka praning na minsan naging away na din namin actually pagiging insecure at selosa ko pinipilit ko namang makontrol pero nararamdaman ko talaga sya sis...
Mae Amor