Insecurities!!!

Ako lang ba nakakaexperience nito ngayon habang buntis? Parang naglabasan lahat ng mga insecurities ko and minsan tamang hinala din ako sa partner ko na baka nagsasawa na ganon. I know naman malaking factor yung hormones pero kasi dumadating na sa point na pati sa ex niya naiinsecure ako na di naman dapat. I know my worth momshies kaya nga nagtataka ako sa sudden waves ng insecurities na ganito. Di naman siya lagi, may times lang talaga. Am i the only one? I can't be the only one. I encourage everyone to comment below yung mga insecurities nila. Kahit man lang dito mailabas naten mga momsh ??

97 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Asa sa iyo yun. Ako I'm a proud pregnant woman. Kahit pa madaming changes like stretchmarks, pangingitim at pananaba, ineembrace ko lang kasi part yan ng pagiging pregnant. Madami akong colleagues na ilang taon ng kasal pero wala pa ding babies. Kahit pa napag-iwanan na ko sa career path ko dahil pinatigil ako ng OB ko sa work, iniisip ko na lang na uunahin ko muna si baby. Siguro kasi dahil matanda na ako (35 yo) kaya hindi na ko apektado ng mga ganyan.

Magbasa pa

Ganun talaga kasi unang una maraming pumapangit satin like kilikili, tyan dahil sa kamot or mga dark spots sa katawan natin tapos tumataba pa. Tapos yun nga hormones tas masyado tayong emosyonal at sensitive lalong lalo na, praning. Normal lang yan pero may tendency na mas malala yan kapag nanganak ka na pero syempre wag mo paabutin na lumala diba. Think positive lang lagi at lagi mong ipaintindi sa hubby mo kung bakit ka ganyan

Magbasa pa

same sis...hndi ako selosa sa ex ng partner ko nung d pa ko buntis..pro ewan ko ba..bgla na lng ako nging bitter..nging active kc sa fb itong ex panay comment at likes sa post ng sister ng partner ko..feeling ko papansin.hahaha.pg nlike ko maya may comment sya..fc..kakabwisit.hehe.kya minsan naiisip ko bka sa pgging insecure ko dun ky ate girl sya mging kmukha ni baby..oh my..😂

Magbasa pa

Same, lalo nat LDR kmi ni partner. Di maiwasan na maghinala na bka ngloloko na😅 tas sbayan pa ng insecurities na nag iba na htsura dhil nga sa buntis na ako, hehehe. Pero I trust him at alam nmn nia un. Pag ngssb ako sa knya sa chat na gnito at gnyan, d nia ako pp2lan..ssbhin lng nia ngccmula kna nman ha at kung ano2 naiisip mo. Tas un nwawala na mga iniisip ko po😆🤣😌

Magbasa pa

Ganyan po ko nung preggy ako..pro ang gnawa ko nag-ayos ako ng sarili ko.pag aalis ako kelangan nakaayos ako ganun and I feel good about myself..kelangan lng siguro nting mahalin at tanggapin ung sarili ntn.ung mga weaknessess ntin kasi hnd tlg lht nasa tin..nung lumabas n baby ko nawala lht ng insecurities ko..wala n kong pinagseselosan at peaceful ako n walang gnagawa hubby ko

Magbasa pa
VIP Member

May mga ganyan din akong moment sis, lalo na ng me mga changes na talaga sa katawan. Nag itiman singit at kili kili, pimples, hehehe. Lahat kahit pangit pagseselosan mo talaga sis. Handle mo lang at kontrol sarili mo sis kasi pagpadadala ka matatalo ka ng nararamdaman mo. Isipin mo lang lagi hindi ka nag iisa at pagkapanganak mo balik Alindog program tayo mga momsh.

Magbasa pa

don't be momsh, d k nmn ng-iisa 😊ako nga as in aminado tlga ko n ang pangit kong buntis pno b nmn ung mga kptid ko even mga tta ko cnsbi tlga nla ang pangit ng pgbbntis ko my mga times "dti" n naiiyak tlga ko..hahaha😂 pero ngaun kiber nlng bsta mhlaga maisilang ko ng malusog at safe ang baby ko 😍ska sbi nmn dAw bblik kung ano k dti kpg nkpnganak n😉

Magbasa pa
VIP Member

cguro s akin ngaun is ung feeling ko ang panget ko😁 ung iba changes kc npagdaanan ko n s 1st baby ko pero blooming daw ako magbuntis, ngaun s 2nd baby ang panget ko daw magbuntis, hehe, cguro dahil s hindi nmn ako lumalabas ngaun dahil maselan magbuntis so hindi ako mag aayos, unlike s 1st everyday pasok s work and need mo maging presentable😊

Magbasa pa

Insecurity ko lang namn ung balat ko grabe mag dry kamot ako ng kamot diko na alam ipapahid ko. Pati asawa ko natatakot na sakin kaka kamot hahaha un lang naman. But never ako na insecure sa ibang girl kasi never naman pinaramdamn sakin ng mister ko na may mas mganda sakin un lang sapat na kahit panget ako sa paningin ng iba haha

Magbasa pa
VIP Member

Hindi ko alam kung nagkaroon ako ng gnyang feeling nung buntis ako. Lagi pa nga akong sinasabihan ng jowa ko na pumangit na tyan ko gawa ng stretch marks. Pero kasi clingy jowa ko, lagi niya parin ako niyayakap, nilalambing. Tska yung pagsasabi niya ng changes sa katawan ko dati, sanay na ako. Mahilig mang asar yun eh.

Magbasa pa