21 Replies

mga momshies pag kaya magpasensya, pagpasensyahan pag di na kaya hiwalayan.. ang hirap mag buntis lalo pg nanganak na tas may asawa ka pang toxic at stress ang dala.. minsan hndi sapat na mahal mo kaya nagtitiis ka, mahal ka din ika nia pro ndi nmn ngpapakita effort pra suportahan ka o tulungan mn lng.. pg nakikitang iba ang priority, kausapin mo pag di nadaan sa usap , isettle mo sarili mo, wag magpakulong sa toxic na sitwsyon.

Karamay niyo ako. Tatay ng anak ko hanggang ngayon feeling binata e. Mabilis pag niyaya sa inuman pero kapag nagpapasama ako noon magpa ultrasound kesyo pagod daw siya at di rin nman daw siya papasukin sa loob ng ultrasound room. Di kasi kami nagsasama, binibisita niya lang ako. Ngayong nakapanganak na ako, ganun pa din. Eto pa matindi, ni di man lang niya mai-flex baby namin pero kung ano-ano shineshare sa meme sa FB. Boset

May mga ganyang asawa talaga katulad ng asawa ko, same same talaga! Maka barkada at maka sariling Pamilya, pangatlo lang kami sakanya ayun awa ng Diyos 2mos na kaming di nag uusap ngayon hahahahaha! Napagod ako, napagod nako. Pinasa Diyos ko nalang lahat, ayun ok naman medyo nakaka lungkot lang minsan kasi namimiss ko rin naman sia, pero masasabi ko mas may Peace of mind ako ngayon. Sobrang toxic na kasi sia.

TapFluencer

Naalala ko mama ko. Sinabihan sya ng mama ko na pag di makuha nyan gusto nyan magtatantrums yan sau. Nung unang kita ni mama ko sa lip ko yun agad ang sinabi nya. May ugali yang bata na yan kung di mo kaya ihandle wag mo pangakuan yan. Buti nalang mas nalaman nyang mas insensitive ako kesa sa knya meron may time na nagsasabay kami kaya ayun. Pataasan pride matira matibay. 😂

I feel you momshie.. Ayaw aq samahan magpacheck up.. Di q mapakisuyuan bumili ng gamot.. Pero kapag kaibigan larga agad.. Ang worst pa nakikipagcommunicate pa sa ex nya.. Itong si bruha gumagawa pa ng mga fake account para macontact asawa q.. Kagigil.. Gusto q pumatay ng tao.. 34 weeks and 4 days na si baby.. Naeesstress q.. Gusto q gumanti..

Pinapili q na sya.. Sabi nya kami daw ni baby.. Saka matagal na daw nyang di kinakausap un.. Sabi buti nmn.. Qng sya pipiliin m.. Aakis kami ng anak m..

VIP Member

Pag ganyan dapat mamsh kausapin mo siya ng masinsinan sabihin mo sa kanya mga hinanain mo kasi kong sasarilinin mo lang ikaw lang po mahihirapan. Atska ang mga lalaki Hindi katulad nating mga babae na pag may problema gagawan ng paraan. Dapat sabihin mo sa kanya para malaman niya kung anong nararamdaman mo po.

Ganyan din kaya aswa ko gusto nya puro pabor saknya tyaka pag barkada nya bait bait nya d nainit ulo nya pero pag sa akin o samin mga bata galit agad siya tanong lang sagot pagalit o papilosopo, Tpos kahit ung 4months old nmin baby nagagalit siya pag nag iingay, keso d raw siya nakakatulog

Ganyan din minsan si hubby. 😅 LDR kasi kami. Katwiran nya wala naman daw ako doon. May point naman sya, ako lang din siguro itong parang kulang sa atensyon 😅😅 pero nakakainis talaga pag ganyan, feeling mo hindi ka priority. Pero bumabawi naman sya, lalo nung umuwe sya dito.

Dati ganyan hubby ko..lalo na nung 1st baby nmin na angel👼 na ngayon... Pero ngayong mgkkaroon na ulit na kami ng 2nd baby nag bago na xa...alam na nia priority nia..❤️❤️❤️

kausapin mo sya at ipaalam kung anu nararamdaman mo..open communication sv nga nila..pag hindi nkinig at wlng pagbbgo layasan mo n..nakakaistres kc ung ganyan

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles