emotional.....

Ako lang ba dito yung nakaka experience na minsan gusto na sumuko sa pag aalaga ng baby ung tipong umiiyak na kasi pagod na tapoz si baby panay iyak kahit naka dede na sya or inaantok tapos karga na iyak padin,hayyyyy sana mas lalo pang bumilis ang takbo ng oras sana mag 1yr old na ang baby ko para nakakapag lakad na sya tapos nakakarga na sya basta basta unlike pag baby pa kaylangan dahan dahan pa .. napapagod nako pero hindi ako susuko para sa baby ko lalabanan ko tong depresyon ko or kung ano man tawag dto sa pagiging iyakin at bugnutin ko simula nung nanganak ako.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mamsh, ienjoy mo lang yung ganyang stage sa pag aalaga kay baby. Kapag tulog sya matulog ka din mamsh para makapagpahinga ka din. Ganyan din ako nung una pero ngayon ineenjoy ko nalang yung pagaalaga kay baby, mabilis lang naman sila lumaki 😊 Tyaka mamsh nabasa ko na nasesense ng mga baby emotions naten kaya mas better na positive emotions ang masense nila para happy kayo pareho. Ask ka din help kay hubby minsan kahit mga ilang minutes lang para makahinga ka o makapagpahinga kay baby khit saglit lang. Laban lang mamsh and pray lang na bigyan ka ni Lord more more power at pasensya para kay baby. πŸ€—

Magbasa pa
5y ago

Salamat sis sa payo ..godbless u too :)