emotional.....

Ako lang ba dito yung nakaka experience na minsan gusto na sumuko sa pag aalaga ng baby ung tipong umiiyak na kasi pagod na tapoz si baby panay iyak kahit naka dede na sya or inaantok tapos karga na iyak padin,hayyyyy sana mas lalo pang bumilis ang takbo ng oras sana mag 1yr old na ang baby ko para nakakapag lakad na sya tapos nakakarga na sya basta basta unlike pag baby pa kaylangan dahan dahan pa .. napapagod nako pero hindi ako susuko para sa baby ko lalabanan ko tong depresyon ko or kung ano man tawag dto sa pagiging iyakin at bugnutin ko simula nung nanganak ako.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

ganyan din ako nung una sis,sobrang na depressed ako,pero ngayon turning 8months na si lo sobrang na mimiss ko yung times na dahan dahan ko lang siya binubuhat at lagi ko lang siyang hawak, hanap ka pagkaka abalahan mo or hanap ka ng pwede mong makausap kapag na sstress ka always pray lang kaya mo yan laban lang para kay baby.

Magbasa pa
5y ago

Yung husband ko lagi kong nasasabihan etong nararamdaman ko chini.cheer up naman nya ko feeling sorry sya kasi hindi nya ko matulungan sa pag aalaga kasi may,work sya hndi ko lang talaga maiwazan yung maging emosyonal..mana sakin ang baby ko iyakin bugnutin..feeling ko minsan pasan ko na ang daigdig...pero kaya ko toh aalagaan at iingatan ko si baby