Hinahayaan nyo ba ang family members nyo na ikiss si baby?

Ako kasi ayaw ko, pero ayaw ko maka offend kaya hinahayaan ko nalang sila ikiss si baby. Minsan di pa naghugas ng kamay, hahawak kay baby isa pa yun na medyo kinakainisan ko ng konti. Pano po ba dapat gawin?

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Feeling ko mag kakaganyan din ako. Gusto lang kasi natin na safe si baby from any virus or bacteria. Lalo na yung mga nagsusulputan sa fb na sakit na nakukuha ng baby sa pagkiss ng kung sinu sino. Jusko. Dun ako nababaliw eh. Hai. Ngayong malapit na lumabas si baby naiinis ako pag may himas ng himas ng tiyan ko. Tipong kumakain ako hihimasin tiyan ko. Nakaupo ako hihimasin tiyan ko. Dati okay lang sakin. Pero ngayon naiinis talaga ako. Sobra.

Magbasa pa

Di pa ako nanganganak pero inadvise ko na family ko na pag labas ni baby, mag hugas muna ng hands and face mask. If gusto nila ikiss dapat hindi nakapag yosi, mouthwash muna and alcohol ung face/mouth nila. Okay naman walang problema for them. Don't worry sa isipin ng iba dahil baby mo yan and you're in charge of your baby's health. ☺️ Walang problema if madaan sa maayos at matinong pakikiusap hehe..

Magbasa pa
5y ago

Hugas kamay braso then mg lagay clang alcohol kc ung alikabok

Ako sa baby ko nagssend ako sa asawa ko ng mga do's and don't about baby para maaware sya since sa family nya kme nakatira sya na yung nagsasabi sa side nya. Para hindi rin maka offend nagkkwento ako about babies like pag may nababasa ako kinukwento ko sa kanila para alam nila yung epekto ng gagawin nila tsaka madalang lang ilabas si baby para makaiwas sa mga kakilala na hawak hawakan sya

Magbasa pa

No. Have a backbone mamsh. Pag sisisihan mo rin yan pag nakakuha ng herpes baby mo kr sakit. Sa family namin, buti na lang educated kami and may doctors kasi sa family, walang humahawak ng newborn babies. Pag mga 6-7 mos, dun lang sila lumalapit. Iwas sila sa baby as much as possible.

Buti nlng alam na ng mga kmag-anak ko na bawal ikiss sa lips at kahit ung 13-yr old kung anak, d rin niya kini-kiss sa lips. Pinakita ko sa knila ung post sa FB ung batang may rashes sa mukha dahil sa paghalik. Nakalimutan ko Lang Kung ano tawag sa sakit na un. Aware na sila.

Same here mamsh. Yung pamangkin ni hubby grabe. Naiistress nga ako e. Ndi ko mapagsabihan kasi baka magalit naman, kahit si hubby ayaw sawayin. Ako nga di ko ma kiss si baby sa pisngi. Napaka unfair🙁

VIP Member

Sa amin oriented nman mga tao sa bahay na no kiss allowed kay baby kung hahalik sa paa lang lahit gigil na sila hehehhe kahit sa pinamaliit na pamangkin bawal kiss. Maiintindihan rin nman nila yan .

Ako ang ginagawa ko yung mga do's and dont's pagdating sa baby pinopost ko sa FB and naka My Day sa akin. Kasi yung mga in laws ko friends ko sa FB eh 😂 so nababasa na nila.

5y ago

Alam ko na nakikita nila, kasi di ba makikita naman natin kung sino yung nagview ng My Day natin hahaha dami ko ng napost like bawal bigkis, no kiss sa baby, no water and solid feeding until 6 months old 😂

Wag nyo po payagan sis. Madaming illness na nakukuha especially sa pagkiss sa baby. Tanggihan nyo na lang po in a nice way. Kayo naman po ang nanay, kayo ang masusunod.

Hinahayaan ko lang po pero tinatanong ko sila kung nakapag sipilyo na ba sila. Kung nakapaghugas na sila ng kamay. Tapos pinag-aalcohol ko sila ng kamay.