Idunnowat2do

Advise naman po mga sis, isa kong full time mom, housewife.. Di maiiwasan ang problema mag-asawa na umabot sa point na naghahanap siya ng pera although, hindi naman ganun kalaki sinusurrender niya noon sakin na pera.. Nakasanla kasi atm namen nun, plus rent lng kmi ng house.. Simula nung maECS ako sa baby namen, buwan buwan, araw araw pinaghahanapan niya ako ng pera.. Na d ba siya nagtaka? Ang mahal ng bilihin sa panahon ngayon, mrami kaming utang na binabayaran.. Aaminin ko po, may kinakaadikan ako, kinakaadikan ko pong maghoard ng diaper& essentials ni baby,. Kapag lsale lang naman sa lazada, pero kontrolado ko naman po kung magkano ang halaga na gagastusin ko nun.. Dumating kasi sa point na walang wala kming pera, na halos wala na din kming pera pambili ng gamit ng baby namen nun. Which is, ayoko nang mangyare. Madalas kami mag away. Madalas na nya isumbat lahat At dumating sa punto na, tumatak na sa isip ko na kailangan kong magwork pra may sarili akong pera na pang gagastos ko sa baby ko.. Btw breastfeeding kami ni baby kayamas malaki ang tipid niya. Dahil di sya obligado bumili ng gatas. Dumaan, ang december kahit papano wala na kmi utang, nakuha naren atm.., 15mos old palang baby boy namen pero gusto na niyang masundan.. Ako naman siyempre ayoko pa, kasi kailangan kong magwork pano kung mangyare nanaman ung panunumbat niya at paghahanap.. Ilang araw naging cold asawa ko saken.. Di pako ready magbuntis ulet.. Kahit anong paliwanag ko ng maayos na ayoko pa, nagagalit lng siya. Hndi niya ko pinapansin na..pangarap nya kasi magkababy girl.. If ever na kau nasa sitwasyon ko? Anong gagawin nyo? No to bash thankyou

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy. I think kailangan mo lqng iexplain ng maayos sakanya na gusto mo sana pero financially hindi pa kayo ready, lalo kayo mahihirapan if susundan niyo pa. Regarding naman sa work, why not try to sell online? Para maka help ka rin sa gastusin sa house and at the same time naalagaan mo parin baby mo. Share ko lang, ako kasi besides sa work ko nag ffinancial advisor din ako, pwede ka rin mag ganon kasi and agents naman hindi kailangan na nasa office ng company, lalabas ka lang if may client ka and ipprocess na application ni client. Malaking tulong yon mommy may financial.freedom ka pa 😊

Magbasa pa

Tama lang din naman yung desisyon mo na wag muna kasi mahirap kailangan pa ni baby ng mas maraming atensyon pag nagbuntis ka di mo na sya maaasikaso ng maayos lalo n pag naging moody ka syempre buntis normal yun. Siguro paliwanag mo lang lagi sa knya kung bakit idagdag mo na ung mga ginawa nya sayo para makonsensya sya at maisip nya kung ano yung ginawa nya sayo.plus ilista mo lahat ng lalabas na pera ultimo piso ilista mo tapos pag nag away kayo pakita mo sa knya.

Magbasa pa
VIP Member

Explain mo kay hubby mo mamsh reason mo bat di ka pa ready magbyntis ulit..at sabihin mo rin akanya na naooffend ka pag hinahanapan ka nia ng pera... para sabay nio planuhin kung anung adjustment sa isat isa ang gagawin nio mg di na maulit if want nia na malaman ang gastos pwede mo naman i write down .. pero better talk to him mamsh kc sapat may tiwala sya sayo pagdating sa pagbabudget... Wala namang ndi nadadaan sa paguusap mamsh basta mahinahon lang

Magbasa pa

Nye ganon talaga mga lalaki eh noh .. hayaan mo mamsh okay yan maging matigas ka sa kanya hirap hirap mag buntis e tas another anak nanaman .. buti sana kung milyonaryo sya mag anak sya ng sampo mahigit hahaha joke . Ganyan talaga sila mas malawak pag iisip natin, kaya tayo na dn mag aadjust mag pills knalang mamsh or anything na d ka mabubuntis mahirap na. Para d nmn dn kawawa hubby mo pag nangati sayo hehehehe

Magbasa pa
5y ago

Magtrabaho ka nalang sabihin mo palit kayo sya muna mag alaga, mag budget etc tignan natin kung di nya marealize yan

Wag ka pumayag ba mabuntis ka ulit ng di pa kayo financially ready, kaw di mastress. Explain mo sa knya kung magkano magiging expenses nyo if susundan nyo na agad. Di pa nga kayo nakakarecover sa utang nyo, gastos na naman. Tsaka baka lalaki din maging anak nyo na susunod. Enjoy mo muna baby mo ngayon. Kawawa din kasi kung susundan nyo agad. Mahirap magalaga ng dalawang baby ng sabay.

Magbasa pa

wag muna, dahil base sa kwento mo nagkautang kayo nung na ECS ka meaning wala kayong sapat na ipon bago ka manganak. Build an emergency fund first then baby fund, bago sundan ang anak niyo para di na maulit ang nangyari noon. Tampalin mo ng kangkong yang mister mo, nakakagigil. Gagawa ng bata, di naman kayang buhayin.

Magbasa pa
VIP Member

Momsh, minsan kasi, umaabot naman sa point na nasusumbatan kasi medyo pagod. Hirap din ksi kumita, needs ni baby kailangan din naman. Ma sosolve lang yan sa mahinhin na usapan. Siguro nadala nalang sa pagod. Pero baby is a blessing kahit akong hirap at pagod makakaraos at makakaraos din. Family planning din 😉

Magbasa pa

Mag ipon muna siguro kayo bago sundan ipaliwanag mo sa kanya para sa mga bata kamo naman yon. Di pwedeng bira ng bira lang hehe. Kami nga pareho na kami may trabaho nagigipit pa kami, mabilis talaga maubos ang pera sa mamahal ng bilihin ngayon isang libo mo pumunta ka ng palengke konti lang mapapamili mo.

Magbasa pa
VIP Member

Same tau ng bisyo. Baby essentials. Try nyo sya ang mamili ng grocery or mamalemgke para alam nya yung mga presyo ng bilihin. Or isama nyo sya parang bonding na din. Kami ni LIP ganun. Sya namamalemgke magkasama kami sa grocery atleast alam nya na mataas na bilihin now. Ung 1k ano na lang nabinili nun.

Magbasa pa

Kng ako momsh ayaw ko pa din mag buntis ng gnyan pa ka bby c bunso..kng sakin mag control nlng ako like pills ng palihim kng hndi tlga cya mka intindi kahit anong paliwanag mo..iniisip ko kasi ang mga bby ung kawawa pag nagka ubosan😓