Pano pag nahuli nyo asawa nyo sa motel kasama ibang babae?
Any advice po sa mga bagong nagsasama dyan. Buntis po kasi ako 6 months. Nahuli ko asawa ko sa motel. Ano po ba dapat kong gawin? Sobrang stress po ako:’(

Kung ako tatanungin mamsh, hindi na dapat tinatanong yan HAHAHAH I mean, sakin kasi pag nagcheat ang partner - no more explanation na eh. Gusto mong kumalas? Edi kumalas ka. Wag ka magpakamartyr mamshie. Know your worth. Hindi porke nabuntis ka nya, sa kanya na iikot mundo mo. Bakit? Porke nakuha ka na nya, pwede ka na nya gaguhin? Tandaan mo na once a cheater is always a cheater. Alam na alam ko yan kasi ganyan ang tatay ko, namatay na lang nanay ko babaero pa din sya. Sobrang awa ko noon sa Mama ko. Nagkaroon sya ng maraming sakit dahil sa stress nya. And I hate her for doing that, nagtiis sya para samin hanggang sa mamatay sya. Please lakasan mo loob mo para sa anak mo. Stay away from that cheater at wag na wag kang lilingon pabalik. Please lang. Ayokong maexperience ng anak mo yung same ng experience ko na lumaki sa isang pamilya na pilit lang binubuo dahil sa nandun kami. Its not happy. Isipin mong maigi kung yan ang buhay na pinangarap mo para sa anak mo. After all, strong tayong mga babae. Kayang kaya mo palakihin yan 🙂 Goodluck mamsh, please sana matauhan ka para sa anak mo. If ngayon palang di ka na nya kayang pahalagahan, wag mo na asahan na kaya ka nyang mahalin ng buo sa mga susunod pang taon na pagsasamahan nyo. Please save yourself from the lifetime pain. Gobless you
Magbasa pa

