Ask for advice :(((
Advice po para sa katulad kong inaanxiety at lungkot while pregnant :( Relationship problem din po kase cheating , I feel worthless lang

6mos pregnant ko last year nung nalaman ko may kalandian father ni baby. 2 or 3 mos preggy pa lang ako nag start na landian nila. ang payo ko sayo mommy kahit mahirap tibayin mo ang loob mo para sa baby mo ilabas mo yung nararamdaman mo sa family mo yung talagang andyan para damayan ka. Please kung kaya mo hindi ma stress (kahit mahirap lalo na emotionally stress ka) wag ka ng ma stress. kasi lahat ng nararamdaman mo nararamdaman yan ni baby na pwede magkaron ng epekto sa kanya. dahil super stress ako halos araw araw Gabi Gabi naiiyak ako. dumating sa point na 1 day nag decreased ng movement ang baby ko kaya napa emergency check up ako. 36 weeks and 1 day pa lang sya napa anak na ako. thank full ako na healthy si baby at via normal delivery sya pero bago yun 34 O 35 weeks nag le labor na ako halos buong pagbubuntis ko complete bed rest, bed rest Tapos balik complete bed rest na naman ako. tska nung nanganak ako naka pulupot na pala sa leeg nya umbilical cord nya. magpalakas ka at mag pray. after mo manganak magpalakas ka pa lalo at tska mo sila harapin.
Magbasa pa