Random Question

Hingi lang po sana ako opinyon/advice. Yung partner ko nakipagchat sa ex niyang sobrang minahal niya siguro dati. Kasi hinabol habol daw niya yon hanggang bohol noon. Nagkachat sila kahapon tapos binura niya. Sapat po bang rason na kaya daw niya binura kasi baka magalit ako. Kinamusta lang daw siya. Nagkamustahan lang daw pero binura yung buong convo. Then kinonfront ko ng maayos ex niya siya pa nagmamatapang at pinagsasabing bobo at tanga ako. Nakakapag isip lang po kasi ilang beses na to nangyayari samin na puro ex niya dahilan ng away namin. Pinipilit ko iwaglit sa isip ko pero diko talaga maiwasang isipin. Buntis pa naman ako ngayon. Nagkaron na talaga ako ng trust issue sa partner ko dahil sa mga ginawa niya. Meron pang mas worst don pero patuloy ko pa din siya pinapatawad for the sake of our child. Ano bang gagawin ko? Advice naman po. TIA πŸ™‚

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Better thing to do is to ignore. Know your standards, lalo na kung kasal kayo. Kung uulitin pa niya yon, ask your self na.

3y ago

Sender here po. Hindi pa naman po kami kasal. Isa nga po sa iniisip ko na baka kaya ayaw niya na ituloy kasal namin dahil don sa ex niya. Nakailang adjust na po kami ng date ng kasal dapat namin pero patuloy na naaadjust. Ayaw naman ipaliwanag kung bakit lagi ako nagtatanong. Lagi ako willing makipag usap at iopen yung usapan about sa kasal pero lagi din iniiwasan.