CYSTIC HYGROMA
Hi, admin! Sana ma-approve. πβ€οΈ Thanks in advance! Share ko lang yung story ko to inspire other moms and parents to be. Beke leng nemen. Hehehe It was on February of 2020 when my boyfriend and I found out that we were pregnant. I had mixed emotions. Hindi ko alam kung totoo bang masaya ako natatakot na ewan? Yun yung initial reaction ko. Pero after ko nga sabihin sa boyfriend ko, after ko marinig yung reaksyon nya, naramdaman ko bigla yung assurance na kakayanin namin to kasi hindi pa talaga ako ready to become a parent pero ginawa ko yung bagay na yon. π€£ Ayun nga. Na-excite sya pero natatakot din. Baka ganon naman siguro talaga pag bago mo palang nalaman. Haha btw, we are both 27 years old. So, not too young na to have baby. π Nag pacheck up agad ako the next day kasi nga gusto ko makasiguro. Kinapa nung OB yung baby ko sa loob... Confirmed nga na buntis si dzai! π€£ Sa 1st ultrasound ko, nalaman ko din na may PCOS ako. So sabi ng OB ko I was blessed to have conceived a baby dahil not all PCOS patients, nagbibiyayaan. Tuloy tuloy yung vitamins ko nun and check up. Apparently, everything was going well with me and sa baby ko until 5th month of my pregnancy, nagpa-ultrasound ako to know how my baby is doing and of course, to know the gender. The sonologist revealed that it is a girl, so ang saya saya ko kasi babae talaga gusto ko π though ung tatay nya, gusto lalake. Pero happy pa din naman sya. π Habang chinecheck nung sonologist ung body parts ni baby through utz, may napansin sya sa batok ng baby ko. Yung mga sunod nyang sinabi ang nag cause para gumuho yung mundo ko. π "Mommy, may bukol yung baby mo sa batok. Nasa 3x3 cm ung sukat. Possible na CYSTIC HYGROMA yung tawag sa condition nya." hindi ko alam mararamdaman ko nun kahit hindi ko alam anong klase ng kondisyon ung meron sya. Basta ang alam ko lang nun, hindi dapat ganon...wala sya dapat ganon. Nagtanong ako sa kanya about sa impression sa UTZ, ang sabi nya lang kausapin ko nalang yung OB ko. Sya ang magpapaliwanag. Ayun. Pag uwi ko ng bahay, pinigilan ko sarili ko mag search sa internet kung anong klaseng kondisyon yung meron ang anak ko. Pero hindi ko napigilan kahit sawayin ako ng partner ko. Lalo ako nalungkot at natakot kasi mas malala pa pala sa iniisip ko yung condition na cystic hygroma. (Shout-out to all the mommies of cystic hygroma patients, magpakatatag po kayo.) Mula nun, halos gabi-gabi ako umiiyak bakit anak ko, bakit sakin? Ang selfish pakinggan pero hindi mo maiwasan magtanong. Thank God I have the most supportive, loving and caring partner. He was there to tell me that everything will be fine. That there is a reason why all these are happening. That God will not fail us most especially our baby. That we have to accept and love what God is giving us. Pinaka di ko malilimutang sinabi nya "Babe, diba, tatanggapin at mamahalin naman natin si baby kahit anong maging kondisyon nya at maging itsura nya?" parang tinunaw yung puso ko ng narinig ko yun. Siguro kung mag isa lang ako baka bumigay na ko. Nagtuloy2 lang check up ko, each month na dumadagdag, dumadagdag din ung laki ng bukol ng anak ko. From 3x3 cm, naging 7x7 cm. Imagine kung gano kalaki un para sa batok ng isang baby? π Maliban sa bagay na to, iniisip din namin saang hospital kami pwede magpa admit dahil lahat ng hospitals may COVID patients na. Ang sabi din ng OB ko, hindi ako pwede manganak sa ospital sa cavite. Ang pwede lang ay malalaki ng hospitals. Buti na lang talaga may nakausap akong nurse sa isang malaking hospital sa tulong ni Kris Cel at ng Bf nya. π Dun ako nag pacheck up during my last trimester. Bago ako manganak, kasabay ng mga lab tests, swab test ay ung final na congenital anomaly scan (UTZ). I believe that it was a miracle that has happened that day dahil lumiit ng 1 cm ung bukol ng anak ko. π Thank God talaga. Sabi pa ng mga sonologist na na encounter ko, ang likot likot ni baby, well, ramdam ko din naman. Healthy daw si baby, complete ang body parts, everything goes well naman daw. Sadyang may bukol lang talaga. Etong point na to, medyo natatanggap ko na eh. Or baka hindi ko nalang talaga masyado pinapalungkot sarili ko. Siguro dahil din nung mga panahon na to, I started reaching out to other moms who have kids na may cystic hygroma. May mga um-okay naman sa awa ng Diyos, at may iba na patuloy nakikipag laban. Sept 2. Na-admit na ko. Hapon pa lang nagla-labor na ko at pinapagalitan ako ng mga nurse bat daw lakad ako ng lakad eh hindi pa ko pwede manganak that day dahil Sept. 3 pa ang schedule ko. Supposedly kasi Sept 22 ako manganganak pero dahil CS ako, kailangan mas maaga ako manganak. Umabot hanggang kinabukasan na nagla-labor ako pero wala naman akong labor pains. Kaya yung mga nurse naka monitor sakin Sept. 3. Manganganak na ko. Walang tigil ung kaba ko nung araw na un. Para akong aatakihin sa nerbyos. Lalo na nung pinahiga na ko dun sa table, ano bang tawag don π. Habang tulak tulak ako papuntang operating room, dasal lang ako ng dasal. Hanggang sa kumanta na din ako ng worship song na BEAUTIFUL SAVIOR. π The moment na napasok ako sa OR, same moment na nawala din lahat ng kaba ko. Effective ung prayers talaga kahit kelan. π Overwhelming ung dami ng tao sa OR. Mga doctor, nurses and specialists. 6 departments yun tanda ko dahil nga sa kondisyon ng baby ko. Ang bilis lang ng pangyayari, ung sinabi nilang masakit daw ung EPIDURAL INJECTION? Hindi ko halos ininda. Parang d naman ganon kasakit o baka sabog na ko sa mga tinurok sakin. π Wala na kong maalala nun. Ang naalala ko nalang eh nung tinatawag nung nurse ung pangalan ko. "Mommy, nakalabas na si baby. Umiiyak sya." ako naman sobrang excited d pa nilalapit sakin si baby tinatawag ko na. I love you ako ng I love you. π Nung nakita ko sya sobrang sarap sa pakiramdam. Dun lang nag sink in sakin na nanay na ko. Pinatingnan din sakin ung bukol, nag tataka ako bakit iba itsura sa bukol ng may cystic hygroma. Dun din sa kwarto na un, diniscuss sakin ng doctor na hindi cystic hygroma ung nasa batok ni baby kundi cervico meningocele. Ang malinaw na sinabi sakin, hindi daw un kasing bigat ng kondisyon ng cystic hygroma kaya dapat wag na ako mag alala. Tatanggalin lang daw ung bukol tapos treatment and rehab, monitor sa motorskills ni baby, yun lang daw. Lahat ng pag aalala, takot at lungkot ko, nawala. Thank God.π Fast forward, nakauwi na ko, pero naiwan si baby. Hinintay pa kasi na Mapa-MRI sya para may bago maoperahan. On her 17th day on earth, naoperahan na sya. Ganon sya ka-bata ng sumabak sa operasyon kaya sobrang hanga at proud kami sa kanya. β€οΈ Successful operation na. Hinintay nalang namin recovery nya, after few days nakauwi na din sya at nagtuloy2 naman yung pag igi nya. Yung akala ko na kondisyon nya na pang habang buhay namin haharapin, hindi pala yun mangyayari. Instead, binigyan kami ng baby na malusog, masigla at masaya. β€οΈ Truly, God is good all the time. Minsan magtatanong tayo, bakit ganon, bakit ganito. Pero may purpose si God. Baka ginigising ka lang nya. He just wants you to realize something. He just wants you to talk to Him again...to reach out to Him again. Nagpapa salamat ako sa kanya araw2 sa ginawa nya sa buhay namin ng anak ko at ng partner ko. nagpapa salamat ko din lahat ng tumulong samin ng mga panahon na yon be it in a form of prayer, financial or pag aalaga sakin at kay baby. Lahat yun ginawa nila para maging okay si baby ko. Sobrang laki ng improvement nya. π Thank you for reading! Hope it inspired other moms. β€οΈ