Paano turuan dumede si baby?
9 days old na po baby ko and until now mali parin po paglatch nya, yung pinakadulo ng nipple lang gusto nya sipsipin. Kahit pabukahin ko ng maigi mouth nya at ipadede kahit hanggang kalahati lang ng areola ko ay ayaw nya. Nanonood ako sa YT ng mga paraan ng tamang paglatch pero ayaw ni baby Kaonti lang tuloy lagi nakukuha nyang milk sakin bukod dun ay masakit pa sa suso. C-section birth pa naman po ako and first baby ko sya. Advice and tips naman po jan paano pa mas maguide sa tamang pag latch si baby.