Manas
8 months na po yung tiyan ko and akala ko safe na ako sa manas. Pero kahapon lang nakita ko manas n bigla paa ko. Ano po ba magandang remedy pampawala or kahit pampanipis lang konti? Mawawala din po ba to kapag nanganak na? salamat po
Iwas lng po salty foods...at dapat e elevate mo yong paa mo mommy kapag nkaupo at nka higa for almost an hour...huwag matagal nka tayo at nakaupo kasi mas lalaki ang manas mo..hindi pa yan talaga mawawala mommy mamaya na pag nakaraos kana sa panganganak dyan kana pwede bigyan ng gamot ng ob mo..3 days lng mawawala na at babalik na ulit sa normal ang paa mo..
Magbasa paAko wala pang manas, 25mins ang lakad ko mula bahay hanggng mrt, tapos from mrt santolan to magallanes nakatayo lang ako minsan lang ako maka upo. Sobrang nkaka ngalay at nkakapagod.. Mahilig din ko sa maalat pero panay inom ko ng tubig.. Kaya nag tataka ko bat di ako nagmamanas..
Aq kc nani2wala sa pmahiin ng lola q at ginagawa q nmn 12 ng tanghali nka yapak po aq at nagpapainit sa labas ng bahay wlang tsenilas nkalapat sa semento ung paa, ,awa ng diyos di q po nranasan mamanas kht ngaun sa pinagbubuntis q pangatlo na,
Normal lang po ang pag manas ng kunti kasi mawawala din po yan ng kusa kapag nag labor kana . Ang hindi normal yung subrang manas talaga kasi sadya nayun eh . Dika naglalakad lakad
Ganan den ako. Kun kelan 8 mos. Napansin ko mejo manas yung daliri sa paa. Pero nawala drn agad. Siguro kase mahilig ako magkikilos sa bahay. Tas nageexercise pa ako.
Elevate mo lang sis ung paa mo pag matutulog ka o nakaupo man.. ung sa bote lagyan ng mainit na tubig tas pagulungan mo paa mo ung kaya mo lang na init ah
Elevate mo lang palagi paa mo pag nakahiga ka at iwas sa mga salty food and drinks plenty of water. Ako 38 weeks na wala naman manas
Kain ka po monggo pra mabawasan yung manas mo yun po sabi sakin ng biyanan ko n mama ko .. Peru d nman po ako manas ..38w2D na po
Ligo kapo dagat mommy. Ganyan ako dati. Babad lang yung paa ko sa dagat. Tsaka iwas din sa salty foods
Ako nga din po...last day na sa work..tagtag naman..napansin ko na lang...may manas na paa ko