AKALA KO HINDI NABUO ANG BABY KO

7 weeks palang akong preggy noong una akong nagpa- TVS. Walang nakitang fetus at heartbeat, gestational sac at yolk sac lang ang meron. Sabi ng OB GYN ko na baka blighted ovum o hindi pagka-buo ng embryo. Pero pinabalik niya parin ako after 2 weeks para magpa-TVS ulit. Walang araw na hindi ako nagaalala lalo na nung nawala na yung morning sickness ko, minsan hindi rin nagte-tender yung breasts ko. Pero hindi naman ako dinudugo. Palagi akong nagdadasal at hindi ako pumalya sa pag inom ng vitamins ko pati narin ng gatas ko. Hindi ako bumalik after 2 weeks, nag hintay pako ng ilan pang linggo hanggat sa mag 11 weeks ako.. 11 weeks and 4 days ako ngayon, at nagpa 2nd TVS nako sa bagong hospital at nagpa check up sa bagong OB GYN. Bago ako pumasok ng ultrasound room sobra sobra yung pagdadasal ko na sana makita na yung baby ko at sana healthy siya.. At ayan na! ☺️ Dininig ni Lord yung panalangin ko.. Akala ko talaga hindi nabuo o (bugok) yung embryo ko nung 7 weeks palang ako, yun pala masyado lang ako maagang nagpa ultrasound! ♥️?? TO GOD BE THE GLORY..

AKALA KO HINDI NABUO ANG BABY KO
149 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

God bless mommy and baby 🙏🙏🙏

Congrats momshie! Have a safe and happy pregnancy!

Pray always talga, aq nga minsan worry din aq kasi maselan aq. Ngayon pa lng aq magkakaroon ng bb. Sana po ito na yun. Always aq nagdasal sana healthy c bb at aq kse namatayan n po aq ng dalawang beses na bb.. Hope dininig god dasal q ito na yun. Happy aq kase nagkachance aq mabuntis. Inaalagaan q sarili q para kay bb.. 🙏🙏

Magbasa pa

Same ang nangyari satin pero ngayon malapit na lumabas si baby😊congrats sayo😊

Maraming salamat po sa lahat!! ♥️♥️🙏🏻🙏🏻 God bless you all po pati ang growing family niyo.. We are one talaga dito sa Asian Parent!! ♥️

Congrats po kung para sayo ibibigay talaga sayo.. first TVS ko 7w0D malakas na heartbeat may mga cases po talaga na ganyan sayo

VIP Member

♥️♥️♥️

VIP Member

Ako naman 4 weeks nag 1st transv. Yolksac palang sya sabi ng ob pero dineretso naman ako na maaga pa para makita na may baby magdedevelop palang daw talaga yun, bumalik ako after 2weeks ayun nakita na Nagdedevelop na yung fetus Congrtas sayo momshie😊

Magbasa pa

Congrats sayo Momsh! Ganyan din ako,nasa 6 weeks pa nga lng tyan ko nung nagpa tvs ako and sabi anembryonic pregnancy daw. May gestational sac and yolk sac pero no heartbeat and no embryo. Usually daw pag ganun raraspahin na! Pinababalik ako ng Ob ko last Friday pero hnd ako bumalik, wait ko muna mag 9 weeks or better 10 weeks bago magpa tvs ulit. Wala nmn kzng masakit sakin,wala ring spotting. I'm really praying na ok and healthy din baby ko like you.

Magbasa pa
5y ago

Pray lang po momsh!! Pag naghihintay ka talaga ng araw hindi mawawala na magaalala ka kasi hindi mo pa nakikita yung baby mo (parang di ka mapanatag) pero wala pong imposible. Maaga lang po siguro yung unang TVS natin. :)