7 months pregnant po ako at hanggang ngayon di pa rin nakakapagdesisyon kung saan manganganak.
Nagtry ako magpacheck up sa public hospital ngayon para sana talagang makatipid kami at walang magagastos. Kaya lang sa dami nang naririnig kong hindi magandang feedback sa public na yun eh kinakabahan ako at ayokong mag take ng risk para sa kaligtasan namin ni baby. ?
Kung ako lang talaga ang masusunod gusto ko sana sa private hospital na para siguradong maaalagaan kami ni baby ng maayos at tatratuhin ng tama. May sapat na pera naman kami ni lip para pantustos sa private kaya lang gusto nya talaga sa public para daw makatipid at may pang binyag na agad kami kay baby. ?
Nakakastress po sa totoo lang. ?
ANOR