Cloth Diaper

7 months preggy. Planning to buy cloth diaper para kay baby. Ask ko lang if may gumagamit ba nun dito? Hindi ba siya hassle gamitin at hindi mahirap labhan? And gumagamit parin ba kayo ng disposable diaper or pure cloth diaper lang.

18 Replies
Write a reply

Salamat ulit sis. Tips in washing "new" cloth diapers: -Make sure to wash your cloth diapers at least once before using. -Separate the cloth diaper and insert first. -Prewash in luke warm water first with a small amount of laundry detergent (fragrance and color-free, no fabcon or softner) 4 to 6 times. (pagkabanlaw, labhan ulit with regular running water, then repeat up to 6x bago isampay. -It will take 10 washes to reach their full absorbency. Tips in washing cloth diapers: -Change the cloth diaper as soon as you notice your baby is wet or soiled. -Dump solid material (poops) into toilet. -Separate the cloth diaper and insert. -You can put diapers in (dry) pail until wash time. -Wash with laundry detergent (fragrance and color-free, no fabcon or softner). -Rinse thoroughly in warm/regular water to avoid stains and odor develop. -Dry diapers in the sun or in your automatic dryer

Read more

Plan ko dn ng order nq ng 5pcs paunti2 pra tipid. Pero disposable muna while bgong pnganak kc mhrp mglba

Hassle sya sa totoo lang lalo na sa newborn, mayat maya palit at laba. Pag mejo malaki na, pwede na cloth diapers.

27weeks here,unti2 nadin ako bumibili para matry ko din kasi gsto ko talaga makatipid lalo na sa diapers kasi nagguilty ako sa basura na matatapon ko,para narin sa environment natin,cguro pakonti konti muna inay para matry po kung ano ung magwowork sa inio ni baby,try diffrent brands naden po

Read more
Super Mum

if newborn, for me mas okay to stick with disposables muna kasi mas madalas ang pagchange ng diaper. i also read on cloth diapers before and had few pieces. depende if kaya mo magcommit sa labahin.😊

VIP Member

Cloth diaper sis sa maghapon then dispo diaper kapag bed time na 😊

i did sa 1st baby ko,,pero nung medyo malaki na siya. pag infant p kc mayat maya mgpapalit. but now sa 2nd baby ko i didnt try na,. bukod sa solo ko silang inaalagaan, dagdag labahan pa, hehe,,

VIP Member

I suggest disposable diaper ka muna sa umpisa mommy kasi mahihirapan ka maglinis ng cloth diaper baka hindi mo manage ung time sa umpisa lalo na pag mag breastfeed kpa.

Ako bumili na ako ng materials for cloth diapers. Ako mismo magtatahi. Ang laking savings din kasi para makatulong na din sa mother earth at kay mister. Plan ko sa gabi lqng ang disposable. And ang leak po sabi ng iba is depende sa gamit na insert cloth. Pag usual lampin kasi magleleak talaga.

Read more
Post reply image
Super Mum

I just wanna share my experience, nung buntis ako bumili ako ng maraming cloth diaper kasi girl ang baby ko para hndi laging diaper kasi prone sa UTI lalo na pag baby girl so nung nanganak ako gnamitan ko si baby ng cloth diaper. Super hassle para sakin kasi si baby malakas umihi, isang ihi lng basa na agad so kailangan palitan halos oras2 nagpapalit ng cloth diaper kahit kapalan ko ang lampin sa loob.. until sa npagod na ako kasi daming labahin at hirap pa nagpoop kumakalat talaga. Never na ako gmamit ulit at nag pampers na kme at ok naman no rush at very comfortable si baby. Isang araw ko lng nagamit cloth diaper and ayoko na ulit gamitin.

Read more