The Best Day Ever(share story)
7 long years kame ni jowa. Daming ups and down na dumating samen. Bago ako mabuntis naghiwalay kame for almost 3 months September to December... Exactly christmas dec 25 3:00am nagchat siya at sinabeng magkita kame at magusap. So nagkita kame pero hindi naging okay parehas mataas ang pride then pinagpray ko kay Lord na bago manlang matapos ang taon kung magkakaayos kame magsstart kame ng panibagong kame at kung hindi ready na ako magmove on next year. Then Dec 29 nagkita ulit kame nagusap ulit then nauwi sa wala ulit sabe konkay Lord hindi na talaga huli na ayoko na di na kyang ayusin pa sa daming problemang pumasok samen. Then nagchat ulit siya Dec 30 for the laat chance na pgkikita kase magbabaging taon na eh. Sabe ko pinagpray ko ulit na kung ito na yung araw na magiging okay kame Thank you Lord pero kung hindi Thank you Lord pdin. Then biglang huminto ang mundo namen kumalma kame parehas at that time dun naging okay ang lahat nagkapatawaran lahat ng lesson in Life nasabe yung mga panahon nasayang namen at hirap ng hindi kame okay narealized na hindi pala namen kaya. Dumating ang bagong taon masaya kame sobrang saya ang may plan na siya para samen then dumating yung panahon na di pa man ako delay nakakaramdam na ako ng symptoms na buntis ako. Pero hinintay ko padin madelay ako pero iba tlaga pakiramdam ko. January 15 dapat ako magkakaroon pero sanay naman ako nadedelay that time kating kati ako magPT then eto na nga isang araw lamg ako delay nagPt ako Positive agad. Woooah grabe Blessings ni Lord samen. Sobrang saya ng daddy niya halos mapatalon sa tuwa nung nakita result check up agad kame kahit wala pang 5 weeks si baby. Minsan sa daming pagsubok at humantong sa akala mo walang wala na at di na maayos pa bigla ka nalang gugulatin ng Lord sa buhay niyo at bibigyan ng pagasang bumangon magsimula ulit yung matagal niyong pinundar. I'm currently 20 weeks and 5 days preggy na. Excited na kame ng daddy niya makita ang gender niya. Share your stories din mga mumshyyy.